Magsasalita pa sana ang binata nang biglang nagbago ang ekspresiyon ng dalaga. "Are you okay?" Kinakabahang tanong ni Xenon. Napatakip ang dalaga sa bibig niya at patakbong pumasok sa loob at dumiretso sa pinaka-malapit na banyo. Kaagad namang natigilan ang binata at napaisip sa nakita. "Could it be?" Tanong ng binata sa sarili niya. Napangisi siya nang malapad at mabilis na sinundan ang asawa niya. Takang-taka naman ang mga magulang nila sa inakto nilang dalawa. Mabilis na binuksan ng binata ang pinto at nakita niya ang asawa niyang halos maglupasay na sa sahig habang sumusuka. Dinaluhan niya ito at hinihimas-himas ang likod. Ilang minuto pa bago naging maayos ang pakiramdam ni Dadaria. Hinang-hina na napasandal siya sa balikat ng asawa niya. "Lintek ka, Xenon naka-isa ka na naman,

