Bandang alas-diyes ay lumabas ang binata mula sa kwarto niya. Pinihit niya ang pinto ng kuwarto ng dalaga at maingat na pumasok sa loob. Nakatayo lamang siya habang nakatingin sa mapayapang mukha ng dalagang natutulog. "How can someone be as beautiful as you," mahinang ani ng binata. Hindi lang alam ng dalaga kung gaano siya naaapektohan sa presensiya nito. Maingat na inayos niya ang buhok ng dalaga at napatitig. He can't believe na magkakaanak na sila. Ilang minuto rin ang pagtitig niya. Tumabi siya sa dalaga at niyakap ito. "Hmm," she murmured. "Sleep," mahinang ani ng binata. Ngumiti ang dalaga at bumalik na sa pagtulog. "Ang lambot naman ng unan," anang dalaga sa isip niya. Unti-unti niyang ibinuka ang mga mata at napangiti nang makita ang mukha ni Xenon na nakataas ang kilay.

