Chapter Fifteen NILANTAKAN ko nang nilantakan ang mga pagkain na nasa mesa. Hiyang-hiya kasi ako kay Jaeo at hindi ko na magawang lumingon pa sa kanya. Pero dapat nga ay siya ang mahiya, ’diba? Bakit parang ako pa ’tong may kasalanan? Gosh! Nakita kaya ’yon ni Irvin, Kina, at ni Coach? Ugh! Napatigil ako sa pagkain nang may tumikhim. Pag-angat ko nang tingin, nakaayos na nang upo siCoach Haley. Marahil, siya ang narinig kong bumasag sa katahimikan namin. “So . . .Clare?”panimula niya. “I prefer to be called Evi—” “Then do you prefer to be hurt again and again?” Napatigil ako. Naguguluhan. Bakit ganito agad ang usapan namin? Hindi ba dapat nagpapakilala muna kami sa isa’t isa? “Clare, hindi habambuhay, fair ang mundo. Hindi habambuhay, may kakampi ka. You need to change your vu

