Pinunasan niya ang pawis niya nang sa wakas ay natapos na siya sa pag-aayos sa condo unit niya. Finally, mayroon na siyang private space na matatawag. Ilang araw niya pa pinaliwanag sa kaniyang magulang na gusto niya na bumukod dahil matanda naman na siya.
She was literally exhausted that moment when the doorbell rang. Mabilis naman siyang tumayo dahil inaakala niya na si Camille na 'yon. Her bestfriend was planning to overnight today.
She was surprised when she saw Angelo. Ito ang naging kapitbahay nila dati at churchmate na rin na ka-close ng magulang niya.
"Kuya Angelo!" she smiled and hugged him. Nakipagbeso ito sa kaniya kaya mas lalo niya pang nilawakan ang pinto.
"Mom told you my unit?" tanong niya rito habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. She is really close to Angelo.
"Yes darling. Napadaan lang kami dito ng ate Faye mo kaya naman naisipan ko na idaan sa'yo itong gift namin dahil may sarili ka ng unit." Doon niya lang napansin ang hawak nitong dalawang paper bag at isang basket na puno ng prutas.
"Wow, thank you! Where's ate Faye?" ani niya habang pinapapasok ito sa loob. Nilapag nito sa lamesa niya ang mga regalo.
"Nasa salon pa, kaya naman dinaan ko na muna sa'yo itong mga 'to. Magkakaroon kasi ako ng business meeting sa Europe kaya mawawala ako ng isang buwan." Nilibot nito ang paningin sa unit niya at napatango-tango pa.
"Mabuti at malaki ang kinuha mo. Maaliwalas din dito kaya naman siguradong maraming blessings ang dadating," he laughed.
"Sana nga..."
Binuksan niya ang mga regalo at labis ang tuwa niya dahil gamit sa bahay ang mga 'yon.
"That's my gift, a mini lamp for bedroom. Nakakaantok kasi 'yang ganiyang ilaw pag ayaw mo ng sobrang dilim- well I know you, hindi ka nakakatulog pag black out talaga. Ito naman regalo ng ate Faye mo sa'yo, unique shape ng base para pang design daw dito."
Sobrang saya niya dahil sa regalo na talagang magagamit niya sa bahay niya.
"Thanks kuya! You and ate Faye are the best!" she said while showing a two thumbs up.
"Ikaw pa ba! Malakas ka sa akin," ani nito at ngumiti ng malawak.
9 years lang ang age gap nila ni Angelo. Madalas itong sumasama sa kaniya noon sa park para bantayan siya pag maglalaro siya dahil hindi nga siya marunong makipag kaibigan at ang magulang niya rin ay strict sa kung sinong kakalaruin niya. 10 years old siya at 19 years old si Angelo nang makilala niya ito at napalapit na rin sa magulang niya.
Angelo is rich and always spoiled her, until now even he is already married. Hindi niya masasabing close niya si ate Faye pero mabait ito sa kaniya sa tuwing makikita niya ito sa mga family gatherings or event.
Minsanan niya lang kasi iyon makita kaya naman hindi niya talaga nakakasama ng matagal.
"Mabuti at naisipan mo ng bumukod. Don't tell me you have a boyfriend now? Kaya naman bumubukod ka na?" tiningnan siya nito ng nakakaloko.
Umiling siya kaagad bago pa siya nito asarin. "Wala 'no! Wala pa rin hanggang ngayon," she laughed.
Biglang sumagi sa isip niya ang binata.
Ang binatang nagpapagulo pa rin ng isip at damdamin niya hanggang ngayon kahit ni-reject na siya.
It's been a month... Lagpas isang buwan na nga ata, simula noong nakauwi siya.
Her heart was broken that time and thankfully she have Camille to comfort her.
"Talaga lang ha? Dapat makilala ko muna ang manliligaw sa'yo bago mo sagutin at makilatis natin! You know how strict your parents is."
Tumango siya bilang pag sang-ayon.
"So, you don't have any man right now? Walang nanliligaw?" he asked again. Sumeryoso ang mukha nito at parang binabasa ang iniisip niya kaya ngumiti siya rito at muling umiling.
"Wala! Boring nga ang life ko 'di ba? Wala ring gusto," she lied. Siyempre, she already knows that her heart fell for someone.
"Good," he said with a serious tone. "That's good. Hindi ka magigisa ni tita para tanungin kung sino ang mga nanliligaw sa'yo," dagdag nito at tumawa.
Napabuga na lang siya ng hangin. Maraming nagtatangka na manligaw sa kaniya noon pero bigla na lang nawawala o tumitigil at parang takot pa sa kaniya. Sigurado siyang kahit hindi siya magtanong ay ang dahilan ang magulang niya.
Saglit pa silang nagkwentuhan ng kuya Angelo niya bago ito umalis. Muli siya nitong niyakap at gano'n din siya.
"Bye! Make sure to lock your door always. Dadalawin na lang kita sa susunod, pag-uwi ko galing europe para may pasalubong ulit."
"Okay, come with ate Faye next time!"
"Sure darling."
She wave her hand to bid a goodbye.
Habang naghihintay kay Camille ay nag-order na siya ng pagkain para sa dinner nila ng kaibigan dahil nag text naman na ito na malapit na.
Tinabi niya na muna ang regalo ng kuya Angelo niya dahil hindi niya pa alam kung paano iaayos iyon sa kwarto niya.
After that, she took a bath quickly.
Saktong pag dating ng pagkain ay ang pag dating ng kaibigan niya. Marami itong dala na damit sa kaniya at kung ano ano pang mga swimsuit.
"Hindi naman ako nagsusuot nito," ani niya habang tinitingnan ang mga swimsuit.
"Magsusuot ka niyan! Huwag mo ngang tinatago ang maganda mong katawan! Sa ating dalawa ikaw ang may pinaka hubog na katawan."
"Saan ko naman ito susuotin? Wala naman akong pupuntahan na beach!" puna niya rito at tinupi na lang ang mga iyon.
Sumenyas ito ng saglit lang at tiyaka tinali ng maayos ang buhok at hinalukay ang bag na dala.
"Mag unwind ka muna! Iyong ngiti mo iba na ang dating sa akin. You smile but you are really not happy, right?" tinaasan siya nito ng kilay at tiyaka inirapan.
"H-huh? Hindi naman-"
"You can't lie to me, beshy."
Sinundan niya ng tingin ang nilabas na envelope ni Camille galing sa bag nito. It is a gold envelope that look so expensive.
"Ano 'yan?" she asked.
Tinanggap niya iyon nang maabot sa kaniya. Marahan niyang binuksan iyon at tiningnan ang nasa loob. Itim na card ang nasa loob at gold ang kulay ng naka-print doon.
[ISLA EROS - VIP PASS]
Nangunot ang noo niya at binasa ulit ang maiksing nakasulat doon.
"Saan mo 'to nakuha? At ano ang Isla Eros?" kunot noong tanong niya.
Sumandal ito sa upuan at pinagkrus nito ang kamay. "Island. Luxury Island! Millionnaires, Celebrities at kahit sino pang very rich at important person ang nakakarating lang sa isla na 'yan. Walang may alam kung saan talaga located 'yang isla dahil sasakay ka sa mismong private plane nila."
She still confuse,"So, anong gagawin ko rito?"
Napahawak ito sa noo at napailing na lang dahil sa tanong niya.
"Beshy! magbabakasyon ka nga! Para sa'yo 'yan. Uunahan na kita dahil baka kudaan mo na naman ako. Hindi ko gastos 'yan, dahil galing sa big client ko ang pass na 'yan para mag bakasyon daw ako, siyempre tinanggap ko pero dahil hindi ko naman magagamit 'yan ay sa'yo na lang dahil mas kailangan mong mag unwind!"
"Paanong hindi mo magagamit 'to eh 'di ba mahilig ka mag beach?" tanong niya pa ulit.
"Marami akong naka-schedule na work sa mga susunod na linggo at isa pa... I'm going to greece! May shooting doon ng dalawang buwan at ako ang kinuhang personal makeup artist."
Napatitig na lang siya sa pass na 'yon. Hindi pa siya nakakagala ng malayo na talagang mag-isa pa lang kaya naman ay medyo kinakabahan siya.
"Scan your passport now and send to this email. Aalis ka na sa isang bukas agad agad kaya naman ito ang mga regalo ko sa'yo," proud na sambit ng kaibigan at pinakita pa ang ilang laman ng mga paper bags na bitbit.
"At pag hindi ka pumunta ay friendship over na!"
Napaawang na lang ang labi niya nang tumayo ito at dumeretso sa kwarto niya. Sinundan niya ito at nakita niya ito na ang nag-iimpake para sa kaniya.
"Explore my beshy! Baka may mahanap ka na ipapalit sa lalaking 'yon!" she said and laugh out loud.
Napasuklay na lang siya sa buhok niya dahil hindi talaga nagpapaawat ang kaibigan niya.