Lagpas isang linggo na siyang hindi lumalabas sa condo. Lagi lang siyang pinupuntahan ni Camille para bisitahin siya at makipag-bonding. Si Lucifer naman ay lagi niyang kasama dahil dito na nga rin ito nakatira sa condo niya. Ngayon lang ay wala ito dahil sa trabaho. Alam niyang hinahanap pa rin ni Lucifer ang kumidnap sa kaniya dahil minsan ay nagigising siya sa madaling araw at nahuhuli niya itong nasa sala at nakatutok sa laptop habang kausap ang kaibigan nito na si Piccolo at Bright. Hindi niya kilala masiyado ang dalawa pero alam niya na ka-trabaho ito ng binata. Hindi siya masiyadong nagtatanong tungkol sa trabaho nito dahil alam niyang hindi komportable si Lucifer isiwalat kung ano pa ang klase na ginagawa nila maliban sa pagtugis sa mga criminal. Tumunog ang doorbell niya kaya ag

