Nagising siya na masakit ang ulo. She can't believe that she got drunk because of a man. Sa nararanasan niya ngayon ay nararamdaman niya na ang dinadanas ni Camille pag heartbroken ito sa lalaki. Uminom siya hanggang madaling araw at naglakad lakad sa tabing dagat para mag unwind at makapag-isip isip pero parang mas lumala ang sakit na nararamdaman niya sa puso nang makita niya itong may karga karga na ibang babae. Hindi niya alam kung sino iyon pero dahil masiyadong malapit ang dalawa sa isa't isa ay nagseselos siya. Pagmamahal na ba itong nararamdaman niya? Maiksing panahon niya pa lang nakikilala ang binata pero parang nadudurog na ang puso niya. Napabuga siya ng hangin at tumitig lang sa may kisame ng hotel room niya. Dumating na ang boyfriend ni Benedict kaya naman ay hindi niya

