Avery POV
Pagkagaling namin sa Ellite Fashion Event, ay dumaan muna kami ni Amber sa isang pizza parlor para mag order ng makakain. Kahit kase maraming pagkain sa party ay hindi ko na rin magawang kumain dahil marami ang media na nag iinterview. Nagtatanong kung bakit iiwanan ko na ang pagiging runway model. Marami rin ang gustong magpapicture kasama ko.
Pagdating sa condo ay kumain na kaagad kami. Nauna na akong pumasok sa kwarto para magshower. Paglabas komg muli ng kwarto ay nasa sala pa si Amber.
"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa naman ako inaantok, saka pinagiisipan ko pa kung alin sa mga office and studio na ito ang pipiliin ko." Sabi ni Amber.
"Mas piliin mo yung magiging komportable ang mga trainees at syempre yung dito lang din sa city proper." Sabi ko.
"Sige na mauna na akong matulog, matulog ka na rin, I'm sure napagod ka rin kanina." Pagpapaalam at bilin ko sa kanya.
"Go, mag beauty rest ka na. Good night babe." Wika niya.
"Good night. Matulog na kung hindi papangit ka." Sabi ko bago pumasok sa kwarto ko.
"Ang sama mo babe. Makatulog na nga." Dinig kong pang reklamo niya.
Kinabukasan ay maaga kaming umalis ng condo para puntahan ang bahay namin dito sa Makati. Malinis naman ang bakuran dahil may nagpupunta naman dito minsan sa isang buwan. Maayos naman ang kabuuan ng bahay kahit ang mga gamit ay maayos pa kailangan lang malinisan.
"Ang laki pala ng bahay nyo babe, at ang ganda." Sabi ni Amber.
"Hindi ko alam na napreserve ni lolo ang bahay na ito. Ganitong ganito rin ang itsura nitong bahay sa mga napanood kong video namin nila mommy. At doon sa malawak ng garden na iyon ginanap yung party nung seventh birthday ko." Kwento ko kay Amber. Maluwang ang bakuran ng bahay at mayroon itong four bedroom sa taas. May entertainment room at office/library sa baba. My maid's quarter rin malapirpt sa kitchen. My swimming pool at garden.
"Ang saya siguro ng childhood memories mo dito Babe." Komento ni Amber.
"I think so. Puro mga happy memories with my oarents ang napanood ko sa mga video files na naiwan nina mommy. Kaya kahit papano may idea ako kung gaano kasaya yung pamilya namin noong nabubuhay pa sina mommy at daddy." Sabi ko.
"Oh my G! Sila ba ang mommy at daddy mo?" Tanong ni Amber ng makita ang wedding portrait nina mommy.
"Grabe, ang ganda at gwapo naman pala ng parents mo kaya dyosa rin ang naging anak." Bulalas niya.
"Yeah, they're both have pretty faces." Sabi ko. Napatingin ako sa baba ng portrait nina mommy kung nasaan ang iba pang picture frame. Nandoon ang ilang pang family photo namin. Sa kabilang side naman ay may oicture ako na may kasamang dalawang batang lalaki at isang batang babae na tingin ko ay mas bata sa akin. I hink it's them. So totoo ngang close kami sa mga Saaverdra noon pa.
"Babe, nagbago na isip ko. Mas gusto ko ng dito tayo mag stay." Bulalas niya ng makita ang pool area sa likurang bahagi ng bahagi ng bakuran namin.
"Alright, tatawag nalang ako ng mga maglilinis at mag didisinfect ng buong bahay pati sa paligid. Then we're going to buy new beds at ilan pang gamit para dito sa bahay. I don't think those home appliances are still working. Isa pa mga old model na lahat ng gamit dito." Sabi ko sa kanya.
"Ako na bahala tumawag sa cleaning agency. Pati narin interior designer para malaman natin kung anong mga babagay na gamit dito sa bahay mo." Pagpiprisinta ni Amber.
"Okay." Pagsang ayon ko sa kanya. Magaganda kase ang taste niya pagdating sa mga designs ng bahay. Kayatiwala ako sa kanya pagdating sa mga ganyang bahpgay.
"It's almost 12:00 noon, let's go na. Nagugutom na rin ako." Reklamo ni Amber kaya umalis din kami kaagad sa bahay. Ibinilin ko nalang sa security guard na may pupunta dito para maglinis at mag ayos ng bahay sa mga susunod na araw.
Ibinilin ko na rin sa kanila ng nag alaga sa bahay na piliin nila yung mga gamit na pwede pa nilang magamit kapag pinalitan ko ang mga kagamitan sa loob ng bahay. Kaya naman tuwang tuwa ang mga ito. Sayang naman kase kung itatapon lang kung pwede namang mapakinabangan ng iba.
Nagpunta kami ni Amber sa Restaurant para doon na mag lunch. Para makausap ko na din si tita Angela.
"Mabuti at nagpunta muli kayo. Lisa please get their order." Tawag ni tita Angela kay Lisa kaya agad naman itong lumapit sa amin.
"Good afternoon po Ms. Avery." Magalang na bati sa amin ni Lisa.
"Ipaprepare mo nalang pala yung best seller natin. And paki sabi na din sa head chef natin na lutuin yung favorite ni Ms. avery." Wika ni Tita Angela.
"Sige po ma'am Angel." Wika niya bago nagpaalam para ihanda ng mga pagkain oara sa amin.
"Mabuti nagpunta ka ngayon, napanood ko sa news yung event kagabi. Congratulations ang husay mo talaga." Wika ni tita Angela.
"Thank you po. Kamusta po dito sa restaurant." Tanong ko.
"Kung ang inaalala mo ay yung lumabas na article na kagagawan ni Ms. Monique ay huwag mong alalahanin. Dahil imbes na negative feed back ang matanggap ng Amelia's, sa kanya bumalik lahat ng hate comments dahil may mga regular customer tayo na nagbigay ng mga recorded video sa nangyari nung nakaraang gabi. Tignan mo mas marami ang naging customer ngayon at may mga nagpapareserve na din." Sabi niya.
"Mabuti naman po at walang naging problema dahil sa post ni Monique." Sabi ko.
"Sa tagal na ng restaurant na ito ngayon lang nagkaroon ng ganoong issue, saka marami tayong mga regular customer na hindi basta basta maniniwala sa ganong klase ng paninira. Lalo pa at kakilala na nila ang mga staff natin." Paliwanag ni tita Angela.
"Salamat po at napanatili nyo ang magandang image ng restaurant nina mommy." Sabi ko.
"Mabubuting tao ang mga magulang mo, karamihan ng mga empleyado dito ay mga anak na ng dating empleyado nitong restaurant. At marami din sa kanila ay mga working student. Iyon kase ang legacy ng mommy mo simula ng itayo nila ang restaurant na ito. They will hire working students para matulungan sa pag aaral. Yung nag post ng video against Monique isa iyon sa dating employee natin at ngayon ay isa nang manager ng banko." Kwento ni tita Angela.
"Kaya po pala kahit matagal ng wala sila mommy ay marami pa din sa mga naging kaibigan ang nakakaalala sa kanila." Sabi ko.
"Hindi lang kaibigan Avery, dahil marami silang natulungan at isa na ako doon. Napakabuti nila noong tanggapin nila kaya naman nagpatuloy ang legacy ng pagtulong na iyon hanggang ngayon." Pahayag niya. "At alam kong ipagpapatuloy mo iyon hanggang sa mga darating na panahon." Dagdag pa niya.
"I will tita, I definitely will continue my parents legacy." Sabi ko. Maya maya ay dumating na si Lisa dala ang pagkain namin ni Amber. Kasunod niya ay ang taong matagal ko na ring hindi nakita.
"Oh my God Sylvia. Nandito ka pala. Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na aalis ka na ng Spain noon. Hindi ka rin nag iwan ng contact number mo kaya hindi kita matawagan." Sabi ko.
"I'm sorry Avery, biglaan din kase ang pagpapadala sa akin dito ng management ng restaurant nyo sa Spain." Sabi niya.
"Siya yung sinasabi ko nung isang gabi na gusto kany makita at makausap." Sabi ni tita Angela.
"I don't have any idea na nandito sya. But I'm so happy na nandito ka din pala." Sabi ko.
"I'm happy to see you again. And you Amber namiss kita vakla. Juice ko Lord mas mukha ka nang babae kesa sa akin." Sabi pa ni Sylvia.
"Wag mo ko kausapin nagtatampo ako sayo. Bigla ka nalang nawala sa Spain hinahanap kita tuwing my show doon si Avery. Akala ko sumama ka na sa Koreano na nanligaw sayo." Sabi ni Amber.
"Wag ka na magtampo. Ipagluluto kita ng favorite mong binagoongan. San ka ba nakatira ngayon para mapuntahan kita." Wika ni Sylvia.
"Magkasama kami ni Avery sa condo nya. Pero lilipat din kami sa bahay nila kapag naayos na." Sabi ni Amber. "Alam mo naman wala ako relatives dito malamang makitira ako sa kanya." Dagdag pa ni Amber.
"Sige kapag day off ko pupuntahan ko kayo para ipagluto ng mga favorite nyo. Promise yan para makabawi naman ako sa inyo." Sabi ni Sylvia.
"Aba, dapat lang, dahil bigla ka nalang nagvanish." Sabi pa ni Amber.
"Sorry na nga diba. Sige na kumain na kayo. Babalik na ko sa kitchen marami pang gagawin. Wait paki sulat nalang yung contacts nyo para matawagan ko kayo pag day off ko. Enjoy your food. See you pag wala akong pasok." Sabi niya at kaagad na umalis.
"Maiwan ko na rin kayo, may gagawin pa rin ako sa office. Tawagin nyo lang si Lisa kapag may kailangan kayo or ipatawag nyo ako sa mga staff." Pagpapaalam din ni tita Angela.
Nakakagutom yung amoy ng mga niluto ni Sylvia para sa amin kaya naman agad kaming nagsimulang kumain.
"What's your plan for this afternoon. May gusto ka bang puntahan?" Tanong sa akin ni Amber. Habang kumakain kami.
"Cemetery." Sagot ko. "Gusto ko munang puntahan sila mommy at daddy." Dagdag ko pa.
"Okay, bumili muna sayo ng flowers. May nakita akong flower shop malapit dito." Sabi ni Amber.
Pagkatapos naming mag lunch ay nag ikot ikot muna kami sa mall, hapon na kami pupunta sa cemetery para hindi na masyadong mainit.