BAGONG BUHAY na ang tinatahak ngayon ni Angel. Ngunit parang hindi ito kumpiyansado sa buhay na meron siya, kahit nagkita at nag-sama na sila ng kaniyang ama na si Alfonso. Hangga't walang pinapakawalang salita si lucifer na malaya na ito sakaniya ay hindi pa rin kampante ang dalaga na magiging tahimik ang buhay niya. Nakatayo ang dalaga sa tapat ng balkon sa labas ng kaniyang kwarto at nakahilig sa gilid ng sliding door, tila malayo ang tingin na halos hindi na maabot. Ilang araw na siyang hindi makatulog ng maayos, parang may gumagambala sa kaniyang pagtulog. Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip niya kaya para na rin itong lutang sa kalawakan. Isang taon na rin ang nakakalipas magmula noong nangyari ang insidente sa pagitan nila ni lucifer at ama niya sa lamay ng kaniyang ina. Ga

