GABI, oras na ng gabihan ni angel at mag-isa lang siyang kumakain sa napaka-habang lamesa. Nababagot at malungkot ito habang kumakain. Susubo na sana ang dalaga sa kanyang carbonara pasta nang biglang bumukas ang malaking pintuan sa dining area nila. Nakita niya si lucifer na pumasok at malalaki ang hakbang papunta sa tabi nito at pabagsak na umupo sabay singhal. Diretso ang mukha ni angel sa kanyang pagkain habang ang mata niya ay takaw-tingin sa itsura ni lucifer. At ang ikinabahala ng dalaga ay may napansin siyang kulay pula sa colar sa puting polo ng binata na parang natalsikan. Gusto niyang magtanong tungkol doon, pero umurong ang dila niya para banggitin dahil alam naman niyang hindi rin ito sasagot. Niluwangan niya ang kaniyang stripe red at black na neck tie at hinubad ang bla

