STL 2

975 Words
Dumating na ang matandang babae at may kasamang dalawang katulong na nakasuot ng uniporme na kulay berde at puti. Isa sa kanila may hawak na damit na aking susuotin at ang isa naman ay kulay puting sapatos na tantsyado kong dalawang pulgada ang taas ng takong. "Hija, ito suotin mo." utos ng matanda at kinuha ang damit sa babaeng kasama niya. Pagka-suot ko ay isa siyang off-shoulder na damit na kulay rosas at ang disenyo niya ay mga bulaklak na minano-manong tinahi gamit ang kamay. Namangha ang dalawang kasama niya na katulong nang makita nila ang kabuuan ng damit na suot ko. Inayos naman ni lola ang aking buhok, tinirintasan niya sa dalawa at ang dalawang katulong naman ay pinasuot sakin ang sapatos, tsaka pinusitsitan ng pabango sa leeg ko. Tuwang-tuwa ang dalawang katulong sa akin at ipinunta ako sa malaking salamin na malapit sa balkonahe. At kahit ako natulala sa itsura ko. "Napaka-gandang prinsesa... Bagay mo ang cottage core na 'yan." Puri ni lola at hinawakan niya ang magkabila kong braso. Hindi ako prinsesa, ang tingin ko ngayon sa aking sarili ay isang sosyal na alipin ng demonyong 'yon na si Lucifer. "Opo madam, ang ganda niya. Sa lahat ng inuwi ni sir lucifer siya ang natatanyag ang kagandahan." galak na wika ng katulong. "Hindi namin inaakala na sobrang bata ang nakuha ni sir lucifer. Kadalasan kasi ng inuuwi niya kasing edad lang niya." sabi naman ng isa. Minulagatan ni lola ang dalawa at awtomatiko silang tumikom ang bibig. Ilang taon na ba ang demonyong 'yon? Mas matanda ba siya sa akin? "Hija, ano pala ang pangalan mo?" tanong ni lola. "Angel po. Angel Foster." nabigla silang tatlo sa pagsambit ko sa aking pangalan at natahamik sila ng ilang segundo. Bakit? Anong problema? "A-ahh. A-ako si Cruzita. Tawagin mo nalang akong lola cruzita." pagpapakilala niya. "Ako naman si Felicy." pagpapakilala ng nakaponytail ang buhok. "At ako din si Janah." pagpapakilala din ng isa pang katulong na hanggang leeg ang haba ng buhok. "Hindi niya tinatanong kaya huwag kayong sumagot." "Eh madam, hindi niya rin tinanong ang pangalan niyo. Bakit kayo sumagot?" pamilosopong tanong ni janah. "Oo nga po madam." sabat din ni felicy. "Kung mahal niyo ang trabaho niyo umayos-ayos kayo." pagbabanta ni lola. "Opo." sagot ng dalawa at yumuko. "Oh siya hawakan niyo ang likod ng laylayan ng damit ni angel. Hija sumunod ka sa akin papunta sa hardin." utos ni lola cruzita at tumango naman ako kahit ayaw na ayaw kong pumunta. "Ako na hahawak diyan." sabi ni janah. Inagaw niya ang hinawak ni felicy. "Hindi ah! Ako hahawak dito!" reklamo naman ni felicy. "Sus maryosep! Ano ba kayong dalawa! Kapag napunit 'yan malalagot kayo kay lucifero! Umagang-umaga kayong dalawa talaga lagi ang nag-aaway sa walang kwentang bagay. Hay!" singhal ni lola cruzita sa dalawa. Natawa naman ako kasi hindi ko talaga mapigilan ang kulitan ni janah at felicy. "Ikaw kasi!" inis na bulong ni janah habang hawak niya ang kaliwang laylayan ng damit ko. "Anong ako?! Ikaw kaya! Pati sa paghawak nakiki-agaw ka!" inis rin na bulong ni felicy. Nakarating na kami sa sinasabi ni lola cruzita na hardin na kung saan may isang round table doon na kulay puti at naka-upo si lucifer habang nagbabasa ng diyaryo. Nang malapitan na namin siya ay agad na nilapitan ni lola cruzita si lucifer. "Lucifero, nandito na si binibining angel at kasabay mo sa pag-almusal." pagbigay alam ni lola. Humigop muna siya sa maliit niyang tasa at binaba sa lamesa tsaka binaling ang tingin sa akin na aakmang uupo ako sa harapan niya. "WAIT..." utos sa akin kaya napatigil din ako. Tinabingi niya ang kaniyang ulo at minasdan ang kabuuan ko. Sinimulan niya ito mula sa talampakan hanggang sa magtama ang tingin naming dalawa. "Sulit din ang bayad ko sa'yo." nginisian niya ako ng nakakaloko kaya naman napikon ako. "Hindi ka lang pang-kama, pwede din na pang-manika." dagdag pa niya at tumawa ng mahina. Sinenyasan niya ang isang lalaki na nakasuot ng itim na damit na siya ang mag paupo sa akin sa upuan. Nang maka-upo ako agad naman akong sumabat. "Hindi ako bagay na pwede mong paglaruan kahit kailan mo gusto. Nakuha mo na ang katawan ko, nababoy mo na'ko, sinira mo na ang pagkatao ko. Kaya dapat pauwiin mo na'ko." wika ko. Suminghal si lucifer at parang na bwisit sa sinabi ko. "You are so persistent and so dramatic. Eat your breakfast i don't want to hear your talkshits." utos niya pero hindi ko sinunod. Lumapit ang isang katulong at nilagyan niya ng tsaa ang maliit kong tasa. Pagkatapos niyang punuuin ito ay agad kong tinapon sa mukha mismo ni lucifer. Lahat ng nasa hardin na tauhan ni lucifer ay gulat na gulat at hindi makapaniwalang ginawa ko 'yon sa kaniya. Kahit sina janah at felicy napatakip sa bibig dahil din sa gulat. Nanigas ang bagang ni lucifer at binaliktad niya ang lamesa at lumapit sa akin. Madiin niyang hinawakan ang panga ko, sa sobrang sakit napahawak ako sa magkabilang kamay ng upuan. "Isang beses mo pang gagawin 'yon sa'kin, hindi lang ito ang matitikman mo. And i will swear to you, you will beg for MERCY. That even God will not listen to your prayers." wika niya at nakaramdam ako ng takot at nginig sa katawan. "You hear me? MARK. MY. f*****g. WORDS." madiing niyang saad at marahas niyang binitawan ang panga ko kaya natumba ako sa damuhan. Umalis agad si lucifer dala ang bwisit at galit sa akin. Agad naman akong nilapitan ni janah at felicy para patahanin ako. Dahil halos hindi na ako makahinga kakahikbi. Madiin akong yumukom sa damuhan dahil sa galit at sakit ng aking dibdib. Diyos ko, alam ko papakinggan niyo ako. Alam kong pagsubok lang 'to. Pakinggan niyo sana ang hiling ko na makawala na dito. Lalo na sa kamay ng demonyong si Lucifer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD