Sabay sa isang banda ay tama naman ang sinabi ng kanyang Nobyo na si Ismael. Maliban sa isang magaling na artista ito ay naknakan rin ng gwapo talaga. Kaya nga maraming mga taga hanga ang umaalma sa kanilang relasyon nuon. Madalas pa nga siya ikumpara sa Leading Lady nito na si Carla na kadalasan na kanyang kapareha sa ilang Movie Project nila. Pero mabait masyado ang kanilang kapalaran at silang dalawa ni Ismael ang pinag pareha sa tunay na eksena. “ Love totoo naman diba? Kaya nga ” muli ay bitin na sabi ni Ismael. Pasulyap sulyap pa ito sa dalagang si Carmela na kanyang Nobya habang napapangiti na tinitingnan ang dalaga na taas pa isang kilay. “ Isipin ko muna! anong kaya nga? ” gagad na tanong ni Carmela “ Kaya nga nahulog ang isang Carmela sa isang Ismael na gaya ko ” tudyo n

