Yazmine POV~
Natapos na ang limang araw naming schedule sa beach ng Boracay at ngayon nga ay nakabalik na ang lahat sa kaniya-kaniyang trabaho. Naging trending sa fashion industry ang ginawa naming sneek peak about sa naging collaboration ng Thea Inc at Alcantara Co. Marami din ang nagpa-reserve na kaagad ng order nila after nilang makita ang sneek peak. Naging mabilis ang pag-taas ng sales ng Alcantara kagaya ng inaasahan ko.
Naging busy man ako sa naging collaboration ng Thea Inc at Alcantara Co ay hindi ko parin nakakalimutan ang obligasyon ko sa sariling kompanya. After maging treading ang collaboration namin ng Alcantara Co ay maraming nag-offer sakin na makipag-partner sa kanila pero agad kung tinanggihan ng mabasa ko ang mga proposal nila. They basically just want to negotiate with because I'm famous and my brand are loved by everyone. They just wanted to used my name and company to rise up.
" Leaving already? " tanong sakin ni Janice habang kumakain ito ng almusal.
" Yeah, I still have a meeting to attend "
" You're not eating first? " tanong nito sabay taas ng toasted bread na kinakain na para bang inaalok sa akin. Umiling lang ako dito at sinabi na ma l-late na ako. Pagka-balik namin galing Boracay ay nag-presinta so Janice na sa isang hotel nalang muna tutuloy na agad ko namang tinangihan. Sinabi ko reto na mag-isa lang ako na naka-tira sa mansion namin at pwede siyang doon muna tumira habang andito siya sa pilipinas. Sa huli ay pumayag na din ito. Madalas ay wala ito sa bahay at palaging kasama si Clinton, may kutob ako na may namamagitan na sa dalawa ngunit ayaw ko lamang pangunahan ni Janice, aantayin ko na ito mismo ang mag-sasabi sakin ng bagay na yun.
Pagka-labas ko ng mansion ay sinalubong ako ng mga bodyguard ko na naka black polo, maong pant, at black leather shoes. Si Apollo ang nag-bukas ng pinto ng sasakyan para sakin bago pumunta sa harap na upoan katabi ni Oggy na siyang nag d-drive ngayon. Habang sila Skylar at Leo naman ay nasa isa pang sasakyan na naka-sunod samin.
Pagka-baba ko ng sasakyan ay agad akong pinalibutan ng apat ko na Bodyguard pati na ang ilang gwardya na naroon sa kompanya. Simula ng lumabas ang inpormasyon na nareto ako sa pilipinas ginawa na lahat ng fans at reporter na malaman ang lokasyon ko. Bukod sa loob subdivision namin ay wala na akong alam na lugar na safe ako mula sa reporter at fans. Kumaway at ngumiti lamang ako ng kaunti sa mga camera na nadadaanan ko bago inayos ang Gucci sunglasses na suot. Natamaan kung nag-aantay ang Secretary ko na si Monique sa gitna ng lobby. Agad akong sinabayan nitong pumasok sa elevator, ang apat ko namang bodyguard ay naiwan sa lobby.
" Nag-simula na ba ang meeting? " maya-maya ay tanong ko reto habang tinitignan ko ang sariling repleksyon sa pinto ng elevator. Masasabi ko na subrang ganda ko sa napili kong suotin ngayong araw na toh. Bumagay sa akin ang black and gray combination color ng Corporate office dress na suot ko na fit sa sukat ng katawan ko. I'm also wearing stiletto from a famous brand Valentino and I'm caring a black shoulder bag made by Alcantara Co. As a ambassador of their brand I must also make sure to use their brand especially in public.
" Not yet ma'am, they are still waiting for you " sagot nito.
" May bago bang mukha sa loob ng conference room? "
" Mr. Tristan Alcantara's father is present in conference meeting, ma'am " bahagya akong nagulat at napatingin dito dahil sa sinabi niya pero nag-tataka lang ako nitong tinignan kaya inayos ko na uli ang expression ko. Pagka-rating namin sa conference room ay pinag-buksan ako ng pinto ni Monique. Huminga muna ako ng malalim bago tuloyang pumasok sa loob. Napa-tigil ang lahat sa kanilang mga pinag-uusapan at sabay-sabay na tumingin sakin na sinuklian ko lang ng seryusong mukha. Nag-tama ang mga mata namin ni Tristan, may pag-aalala sa mga mata nito habang naka-tingin sakin na pinawalang-bahala ko lang bago lumanding ang mga mata ko sa taong huli kong gustong makita. Ang huli naming pag-uusap ni Tristan ay noong muntikan pa akong mapa-away sa babaeng lumalandi dito, pagka-tapos non ay wala na. Lagi ding secretary ko lang ang pinapapunta ko kapag sinasabi nito na may meeting kasama ang mga employees.
All the hair on his head is already turning gray and the skin on his body is wrinkled because of his oldness, but it doesn't hide the fact that the old man's aura is still demonerring and scary. Nakaramdam ako ng kaunting takot dahil aura nito ngunit ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi nito makita iyun. My face expression remained neutral as I take my sit opposite to Tristan at katabi si Monique.
Natapos ang conference meeting namin ay sinabihan ako ng tatay ni Tristan na manatili muna dahil may gusto raw itong pag-usapan. Sinabihan ko muna si Monique na mauna na lamang muna sa labas at antayin na lamang ako. Kami na lamang tatlo ang naiwan sa loob ng kwarto na yun.
" You are really beautiful Yazmine, mas lalo kang gumanda kesa noon "
" Thank you Mr. Alcantara, siguro naman ay hindi ako aabot sa kung ano ako ngayong kung hindi ako maganda " I tried my best not to look plastic sa harap nito.
" May punto ka sa sinabi mo " natatawa nitong saad.
" Kung sana di kayo nag-hiwalay nitong anak ko, siguro daddy na ang tawag mo sakin ngayon. " narinig ko pa ang munting pag buntong-hininga nito bago mag-angat ng mukha. May pag-tataka kung tinignan si Tristan, pero umiling lang ito. Kung ganon ay hindi alam ng tatay nito na hindi nito pinermahan ang annulment paper.
" Ganon po talaga ang buhay, kapag hindi para sayo ay kailangan mong bitawan para dika na patuloy na masasakta " may malalim na kahilugan na saad ko. Tumango-tango naman ito bilang sinyales na naiintindihan nito ang ibig kong sabihin. I just only smirked at his reaction.