?P A M A M A A L A M?
HANNAH POV
"Hello! sino po sila?" sagot ko sa kabilang linya.
" hello ma'am kamag-anak niyo ba si Mr. George Sandoval" saad nang kausap ko sa telepono.
"opo! Papa ko po siya, bakit po?"
" Ma'am ...sa San Luisito hospital po ito,naaksidente po ang kotse ni mr. Sandoval sa Nlex, lagpas nang pampanga, dead on arrival po siya kasalukuyan pong nasa morge ang kanyang katawan.." saad nang kausap ko.
" Poooooooo! joke po ba yan o prank di po ko natutuwa " paos na sagot ko sa kausap.IMPOSIBLE .Nanlamig ang buo kong katawan sa sinabi nito. Hindi ko alam ang gagawin naestatwa ako sa pagkakatayo ko.
Para akong nabuhusan nang balde baldeng yelo.
Nanatili ako sa ganoong anyo. Wala sa sarili kong nabigkas ang sagot sa tanong nang kausap sa telepono.
" Hindi patay si papa" iyon lang ang tanging lumabas sa aking bibig. Umagos nang walang babala ang aking mga luha. Sumalampak ako sa sahig nang hallway. Hindi ko narin namalayan ang paglapit ni Geline nA bestfriend ko.
" Bhe! " pag-aalalang anyo ni geline.
" anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Pinapataha niya ako hanggang sa matulala at walang tugil na tumutulo ang aking mga luha.Hindi ko parin magawang sumagot sa mga tanong nito.Hindi ko kayang mawala si papa. Paano na ako? Tuluyan na akong niyakap ni geline. Dinamayan niya ako sa mga oras na iyon wala siyang ideya sa pinagdadaanan ko. Lumiban kami sa mga su jects namin.
Kasama ang mga magulang ni Geline na parehas na guro sa public highschool. Sinamahan nila ako magpunta sa ospital kung saan naghihintay ang walang buhay na katawan ni papa.
Nanginginig at mugto ang aking mga mata. Lakas loob kong hinarapa ang bangkay ni papa. Nanlumo ako sa sobrang pighati nasa harap ko siya napagagulgol ako at sinisigaw ang kanyang pangalan. Tila ako mawawalan nang hininga sa mga sandaling iyon. Tila may alikabok sa aking dibdib na pumipigil sa aking pagiyak. Tanging malalalim na paghikbi ang aking pinapakawalan.
Nakaalalay sa akin si Tita Gina mama ni Geline.
" Taha na anak" habang hinahagod ang aking likuran.
" Gabayan nawa nang diyos ang kanyang kaluluwa" dagdag ni tita Gina.
" taha na bhe! Magpakatatag ka" -geline
Ilang sandali pa lamang, dumating na rin si lola Salome. Humagulgol ito sa ibabaw ng katawan ni papa.
Malakas at pasigaw itong nagdalamhati. Matalim at mapang-uyam na titig ang pinakawalan niya sa akin. Tila ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni papa. Napapikit na lamang ako at hinayaan siyang magluksa.
.
.
.
Nakiusap si lola sa mga magulang ni Geline na manatili muna ako sakanila habang inaayos ang pagbuburulan kay papa sa bahay.
" Mrs. Larson kayo na po muna ang bahla kay Hannah, wala kasi siyang kasama s bahay." Ani ni lola na seryosong kausap si tita.
" Aasikasuhin ko muna si George para sa burol niya" dagdag ni lola kasabay nang paglingon niya sa na walang eksprisyon ang mukha.
" Wag po kayong mag-alala aleng salome, ako na muna ang bahala kay Hannah" magkahawak kamay sila lola at tita Gina.
Inakay ako ni Geline .Umuwi ako sa bahay at kumuha nang pamalit kasama si tita gina at Geline. Hindi kami nagtagal doon upang hindi daw ako lalong malungkot.
Matangkad si papa kaya inabot nang higit isang araw ang sinadyang caskette nito.
Umaga pa lamang ay nasa hay na kami. Si lola ay abala sa pagmamando sa burol.
Puno nang puti at dilaw na mga bulaklak ang paglalagyan nang caskette ni papa. Malaking larawan ni papa ang nasa kanang bahagi nito.
Dumating na ang labi ni papa. Pigil hininga at panlalamig ng kamay ang nararamdaman ko. Walang luha ang lumandas sa aking pisngi.
Ngunit sobrang kalungkutan ang nasa puso ko. Hi di ako makapaniwala na siya ang nasa loob ng caskette. Naupo ako sa dulong bahagi nang mabahang monobloc na bangko.
Wala akong maramdaman sa mga oras na iyon nawalan ako nang pakiramdam at ang tangi ko lmang nkikita ay ng malaking tarpulin portrait ni papa.
Nagumpisang umingay ang paligid. Umiiyak si lola sa ibabaw ng caskette.
" gumising kana george, bumangon ka riyan. Iho! Hindi ko matanggap na iniwan mo na ako iho....
" ano bang ginagawa mo riyan... magdiriwng pa tayo nang kaarawan ko hindi oa sabi mo" turan ni lola habang malakas niya itong sinasabi. Tahimim lang ako sa isang sulok at taimtim na umiiyak.
" Hannah , taha na ineng" si aling chona.
" hindi matutuwa ang papa mo kung malungkot ka " si ate remy . Mga kapit bahay namin.
" nakikiramay kami Hannah" sabay tapik sa balikat ko ni ate elvie.
" salamat po" mahina at paos na sambit ko. Mula sa kinakaupuan ko ay unti-unting nawalan nang malay ang lola. Mabilis na inalalayan ng ibang kapitbahay si lola.
Matamlay akong sumilip sa caskette ni papa.
" pa, daya mo..." kasabay nang pag-agos nang aking mga luha.
" sabi mo uuwi ka, magbebeach pa tayo ngayon. Napakadaya mo talaga. Sana nainform mo ko para di gaano masakit? Papa bumangon ka na dyan! Tara nang dagat, dali na" humihikbing sabi ko sakanya.
Naramdaman ko nang tapikin ako sa balikat ni Geline. Kanina pa pala ito nakatayo sa tabi ko. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang kaliwang balikat." Taha na bhe, pakatatag ka"
Mahinang sambit ng matalik kong kaibigan.
Naging mabilis ang pagdaan nang isang linggo. Nakiramay rin ang mga kaibigan , dating kakalase ni papa maski mga katrabaho.
Huling gabi ng lamay para kay papa. Maaga pa lamang abala na ang mga tao sa lulutuin para sa mga makikipaglamay. May mga nagaasikaso rin para sa lulutuin nang maaga bukas. Lahat nang tao na narito ay tulad sa mga bubuyog maingay. Hibdi ko rin maaninag ang lahat dahil na siguro sa mugto kung mga mata sa mga nakalipas na araw at puyatan. Hindi mawari ang kung anong pakiramdam. Sa paningin ko ay tila nagfastforward'an silang lahat. Ganoon kabilisang galaw nila. Naupo ako saplastuc na upuan malapit sa pinto nang aming bahay.
Tulala lamang ako hindi ko mawari ang nais nang aking damdamin. Ganito ba ang mix emotions. Masaya, malungkot, may agam-agam at pighati. Hindi makapasok sa aking sistema ang mga pangyayari lalo na si papa. Nahihirapan akong kimbunsihin ang aking isipan na iniwan na nila ako. Ulilang lubos eka nila.
Alas siete na nang gabi nagdatingan ang mga classmates ko. kinawayan ko sila hindi pwedeng sumalubong iyon ay isa sa mga pamahiin lalo na nang mga kapamilya nang nakaburol.
Matiim nila akong pinagmasdan. "Condolences mate" lahat sila iyon ang sinabi sakin. Tumango at ngumiti lamang ako bilang pagsang-ayon.
Dumating narin ang mga manganganta sa huling gabi. Pagkatapos nilang magsetup ay nag-umpisa na ang pag-alala kay papa. Dumako ang pag-alala kay papa ; video clip.
Makaupo ako sa pagitan ni geline at tita Gina. Nag-umpisa nang magflash ang mga pictures na binigay namin.
Larawan ni papa noong bata pa lamang siya. May mga larawan din noong binata at mga kaibigan kamag-anak at ilang mga taong ngayon ko pa lamang nakikita. naiyak ako nang mapansing wala ni isa picture na kasama ako o ni mama. Lahat halos ay kay Lola at papa lamang. Nanikip ang aking dibdib. Kahit masama ang loob ko dahil tila out of the frame kami ni mama ay papalapsin ko muna.
Napansin din ito nang ibang bisita.
" sobra naman si Mareng salome" ani ng nasa likuran kong ale.
" hindi ko man lang nakira ni isang litrato ng apo niya" dagdag pa nito.
"Hayaan na lamang natin, mare , alam naman natin kung bakit" dugtong ng isa pang ale.
" kahit na eh anak yan ni george, dapat may litrato din nilang mag-ama" sambit din nang nasa likuran ko ibang ale ulit ito.
" ewan ko ba kung bakit masyadong malupit si salome sa apo niya. Mabait ang batang yan. Masunurin at pala aral." Usisa ni aling tina kilala ko ang boses niya.
" totoo nga ang sinabi mo kawawa naman iyang bata, di man lang nakakalabas kung wala si george" si alibg loleng naman katabing bahay namin.
Naputol ang chismisan nila. Kailangan magbigay nang mensahe ni lola salome at ang iba pang kakilala hindi ako kasali sa magbibigay mensahe dahil ayaw ni lola na gawin ko iyon.
Huling nagbigay nang mensahe si lola. Naging mainit at mapang-uyam ang titig niya sa akin. Nakatitig niya sa malayo ngunit alam kong sa akin siya nakatingin. Naiyak ako habang siya ay nagbibigay mensahe. Hindi dahil sa sinabi niya bagkus sa ideyang Paano ako mamumuhay pagkatapos nito.
Alas nuwebe natulog na muna ako para maipahinga ang aking mga mata. Hinayaan ko na si lola ang maging abala sa lahat muna.
Naging mahimbing ang aking tulog. Mas mahimbing ito kesa sa mga nagdaang mga gabi na isang oras o kalahating oras ang naitutulog ko. Buong araw din akong gising para tumao sa caskette ni papa.
Naalimpungatan ako nang tila may yumuyugyog sa aking balikat.
" bhe gising ka na dyan! Tara na sa bahay maligo kana" ani geline sa akin.
Pinalinaw ko muna ang aking paningin at tumingin kay geline.
" anong oras na bhe?"
" alas singko na, magkape kana muna tapos tara sa bahay" sabi nito at hinila na ako para bumangon.
" okay bang tulog mo?" Tanong ni geline sa akin habang kumukuha nang mainit na tubig sa dispenser. Nagsalin din siya nang 3 in 1 na kape sa tasang may lamang tubig na mainit. Inabot niya ito saakin at kumuha nang tinapay na may palaman na ladies choice.
"Oh, desert mo" biro niya sa akin. Kinuha ko ito at nag-umpisang kumagat at uminom nang kape. Pagkaubos nang pagkain namin ay sinamahan niya akong muli sa pagkuha nang damit at tuwalya.
" wag ka nang magdala niyan toothbrush nalang" singit niya sakin. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sa likuran kami dumaan. Abala ang mga tiga-luto sa kanya kanyang gawain. Ngumiti lang at bahagyang tumango sa kanila.
Lumabas kami nang gate. Nakakawit ang braso ni geline sa braso ko.habang naglalakad papunta sa kanila. Tatlong kanto ang lalagpasan bago makarating sa kanila. Naabotan namin si tito sa labas na nagkakape.
"Good morning po Tito" sabay lapit ni geline sa ama at dumampot nang pandesal sa ibabaw nang lamesita.
" magandang umaga hija, sige pumasok na ka jan.... baby naman wag mong ubusin" nakakatuwang makita silang dalawang ganyan.Naisip ko tuloy si papa.
Nasa loob na ako, Nakita ko si tita abalang nagluluto nang agahan nila.
"Uh nariyan ka na pala, hija" sambit ni tita gina.
" good morning Tita... makikisuyo po ulit ako"
" para kang others hija...hala sige na't maligo" inakay pa ako ni tita sa pinto ng kanilang banyo, nakanhiti pa ito saakin.
"Hintayin ka namin kumain"dagdag pa niya.
Mabilis lang akong naligo at gumayak. Paglabas ko sa banyo ay nasa pinto na si Geline bihis na. Si tito naman nakapatong ang tuwalya sa leeg.Maliligo na din.
"Tara na bhe tuyuin na natin yang buhok mo" hatak niya ako papuntang kwarto niya.
" bakit naman papatuyuin pa?"
" ikaw muna ang unang gagamit nang bagong blower na to"
" online binili ni mommy, may pa blower si mayora" biro niya.
" wag na baka hanapin pa ko ni lola eh"
" hindi yan , yaan mo yung lola mong bruha" pilya nitong sambit habang binoblower yung buhok ko.
Mabilis lang ginawa yung pagblower. " SHALLLLLAAAA"
" salamat" sabi ko kay geline.
" salamat shopee" pareho kaming nagtawanan. Bumaba kami at nagalmusal ng mabilis. Bumalik kami sa bahay namin.
Alas sais media na, Naabutan ko si lola na nagbabantay sa harap ng caskette ni papa. Matalim na tingin ang bumungad sa amin ni geline. Yumuko ako at umupo sa mahabang plastik na sofa.
" Bantayan mo ang papa mo , magbibihis pa ako " sabay tayo ni lola at tumalikod sa amin. Ginagap ni geline at pinisil nang marahan ang aking kanang kamay . At hinimas ang aking kaliwang balikat. Tumulo ang aking mga luha. Huling mga sandali, ilang oras nalang at ihahatid na namin si papa.
Nakasunod lang kami sa likuran ni lola at nang mga kapatid niya. Si lolo Tabio at Bert at ilang pamagkin. Samantalang kami naman ay nakasunod kasama ko si geline at tita gina.Si tito Jun naman drive niya ang sasakyan nila.
Habang naglalakad kami ni geline di maubos-ubos ang aking mga luha. Ayaw maubos tila gripo.
Napakadaming naglalaro sa aking isipan habang nasa kalsada kami.
Nasa loob na kami nang simbahan. Iginaya ako nina Tita gina sa pinakaunang mahabang upuan. sa likuran ko naman sila naupo.
Hindi kami magkatabi ni lola bagkus sina lolo tabio at bert ang aking katabi.
Matapos ang misa Hiwalay parin kami ni lola papunta sa paglilibingan kay papa.
Sumakay ako kasama ang mag-anak na Larson. Si lola naman sa van ng lolo bert. Nalulungkot ako, paano nga ba ako mag-uumpisa nang wala si papa sa tabi ko. Paano na kami ni Lola salome.
Hindi ko alam paano na ang pakikiyungo ni lola sakin na wala na si papa makakayanan ko pa kaya?Alam ko rin naman na galit sa akin si lola dahil iyon ang lagi niyang pinapamukha sa akin kapag wala si papa.
Lagi rin niya akong pinagbabantaan na wag akong magsusumbong kay papa kung ayaw ko raw na mag-away silang dalawa dahil sa akin.
Hindi ko alam kong ano ba ang nagawa ko sakanya at sagad sa kalingkingan ang inis niya sa kin kahit noong bata pa lamang ako ganoon na siya.
Lagi lang sinasabihan ako ni mama na intindihan ko na lang daw malaki ang utang na loob ni papa sakanya.
Sa huling pagkakataon ko na masisilayan si papa. Wala na akonh mailuha pa. Maubos na ata ang lahat nang tubig sa katawan ko nilalamig na rin ang aking mga palad.
Naging maingay ang paligid. Nag-iiyakan silang lahat samantalang ako nakatitig lang sa caskettd ni papa. Isa-isang tinapon sa caskette ang mga puting rosas.
Pikit mata kong binitawan ang hawak ko." Pinapakawalan na kita papa, mahal na mahal po kita, bantayan mo ko at gabayan kayo ni mama" yumapos ako kay tita Gina bilang suporta sa pagkakatayo ko.
Huli si lola sa pagbibigay nang bulaklak. Nagpalipad din kami nang mga paruparu.
Huminga ako nang malalalim at pinakawalan ang lahat nang lungkot na nadarama ko.
Maibsan man lang kahit papano.Lulan ng sasakyan tahimik lamang kami nila tita, tito at geline. Nakatitig lamang ako sa bintana. Panibagong yugto nang buhay at pagsubok ang haharapi n ko.
Pagdating namin sa bahay ay abala ang lahat sa handaan. Kumain ako kasama ang pamilya Larson sa mesa. Naging magana akong kumaindahil ilang araw din akong di nakakain nang sapat. Dapat sanayin ko ang sarili kong maging matatag lalo na't si lola lang ang makakasama ko dito sa bahay.
.
.
.
(Makalipas ang ilang buwan)
Malapit na ang birthday ko. Semestral break. Tapos na ang first semester ko.
Kadalasan mula nang mawala si papa laging wala si lola sa bahay. Hapon na kung umuwi at wala parin kaming imikan tila akong mag-isa sa buhay.
Mag-isa lang ako sa lahat sa bahay namin. Minsan kapag weekends wala si lola salome. Bawal din ako gumala .
Kumbaga bahay - school lang ako. Iniiwanan lang niya ang aking allowance araw-araw sa may istante namin. Hindi ko na lamang iniisip na apektado pa siya kay papa.
Lahat nang binepisyo ni papa kay lola napupunta. Pero lihim akong binigyan nang kompanya nila dahil alam nila na si lola ang nagclaclaim nang pera.
Nasa 200k ang nakuha ni papa sa kanila bilang isa sa mga senior employee nang kompanya. Pinagawan nila ako ng trustfund ko na hindi pinapaalam kay lola. Naging usap-usapan daw kasi yung huling gabi nang lamay sabi nang mga taga kompanya.
Kung ituring daw ako ni lola parang hindi kapamilya. Maliban din sa trustfund may weekly allowance pa ko na diretso dinapadala sa gcash ko.
Hindi rin yun alam ni lola dahil pinagawa rin ito ng kompanya dahil sa naipong unclaim incentives ni papa sa mga transactions niya bagi mawala.
Higit yun sa singkwenta mil. Tinawagan ako nang Budget department ng kompanya ni papa dati. Ilalagay na daw nila yung natitirang pera sa incentive sa e-wallet ko.
Pati yung trustfund iclaim ko na daw. Bibigyan nalang ako nang consent letter nila patungkol sa claim sa bangko.
.
.
.
Naging maayos ang mga dapat kong gawin. Nakuha ko na rin ang mga papel para s af
Trustfund ko. Naitransfer ko na ang pera ko sa n
Bagong bank account. Kahit papano nakaipon ako mula sa baon ko at pagtututor ko sa mga bata. Naging mabilis ang mga araw malapit na akong mag 17 years old. Sayang at wala na si papa at mama.
Sabado nang hapon. Pinaghanda ako nina tita Gina at tito Jun nang kaunting handa. May pansit spaghetti , CAKE at maja blanca.Happy birthday to you...
Happy birthday to you!
Happy birthday
.... happy birthday
Dear Hannnnahhh
" wish ka na dali bhe..." sabik na sabi ni geline. Lingon ko siya. Humarap ako at hinipan ang kandila. Whooooo....
" yeaheyyyy, lafang na tayo..." excited na sabi ni geline.
" heto hija, plato" alok ni tita sakin.
" daddy anong gusto mo?" Nasa labas si tito kasama ang mga coteachers nila.
" tara na po mga sir! Kain na po " aya ko sa mga dating kong guro. Binati nila ako at Nagtanguan lang sila.
Matapos ang munting salo-salo sakanila bilang birthday celebration ko. ginawa nila Geline iyon dahil narin sa pangako nila sakin.
Nagpaalam na ako dahil pasado alas siete na baka hinahanap na ako ni lola. Ihahatid pa sana ako ni Geline ngunit tumanggi ako. Hinatid lamang ako sa kanto.
" Salamat po pa-birthday tita"
" walang ano man hija, para sa mama't papa mo" hinaplos ni tita ang aking kaliwang pisngi. ngumiti lang siya.
" sobra sobra po itong ginawa niyo para sakin"
nagilid ang aking luha yumuko ako para itago ang lungkot sa aking mga labi. Sana nandito pa si papa ko.
" oh sya, sige na baka umuusok na naman ang ilong at tenga nang lola mo" biro niya sa akin.
Masayang naglakad akong pauwi bit-bit ang pagkaing pinauwi ni tita Gina sakin. Isang styro na Pansit at Maja Blanca. Malamig ang simoy nang hangin at may nagbabadyang malakas na ulan.
Binilisan ko ang aking paglalakad at baka mabasa ako nang ulan.
Agad kong tinulak ang gatw namin at dali-daling pumasok sa bahay.
" Magandang gabi po lola" bati ko sa kanya. Madilim at matalim niya akong pinakatitigan. Para akong binabalatan nang buhay sa mga titig niya. Nakakatakot. Nayuko ako bilang pag-iwas sa mga tingin niya.
" Saan ka galing ha, babae " galit ang tono nito.
" aba! Namimihasa ka na ata sa pagpupnta-punta kila Mrs. Larson ha"
" Mag-papaampon ka na ba sakanila ha" sita niya sa kin. Napako lang ako s apagkakatayo at nakayuko parin.
" Hindi po! La"
" eh kung ganoon, bakit ngayon ka lang ha? " sigaw niya sa kin.
" umuwi akong walang tao dito, walang ulam , may kanin nga wala namang ulam na luto.... ano pa ang silbu nang ref kung ganyan ka"
" nawiwili ka sa paggagala" bulyaw at dinuro ulit ako ni lola.
" tonta...gaya ka nang ina mong walang alam sa buhay kung hindu puro pasarap" uyam niya. Sumakit ang dibdib ko sa mga sinabi niya.