CHAPTER 1

2661 Words
THUNDER LAVISTRE "Handa na ba ang lahat?" tanong ko. Inaayos ko ang Three Piece Suit ko. "Oo naman. Matapos ang halos isang taon at sampung buwan, ngayon na lang ulit tayo nagkakaroon ng party sa pamilya." wika ni Damon. Lahat kami ay tutungo sa pag didirawang ng aking kaarawan. Hindi ko rin alam kung mag eenjoy ako dito una dahil wala ang kapatid kong babae. Nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga. "May aaten daw na bagong panauhin sa party mo Thunder. "wika ni ate Sky sa'kin. Lumingon naman ako dito na saktong pag baba ng mga Dela Vega at ng pamangkin kong buhat ni Blake. "Sino daw?" tanong ko naman kay ate Sky. "Lelouch daw ang pangalan.. walang sinabi saan galing na pamilya ito." sagot ni ate. Humawak naman sakin ang panganay ni ate Sky na si Helliot. Binuhat naman ni Storm ang pangatlong anak ni ate Sky na si Harrion. "Tara na baka ma-late pa tayo..." aya ko sa kanila. Nauna akong lumabas sa kanila habang buhat ko ang gwapo kong pamangkin. "Gwapo talaga oh? May bago na tayong version ng mga Lavistre at Valencia!" puri ni Storm sa pamangkin namin. Ngumisi ako at sumagot. "I totally agree. Cloud d'yan ka kay daddy mo okay? Blake paki ingatan si Cloud okay?" paalala ko dito. "Okay no problem." naka ngiti nitong sagot. Nauna silang pumasok sa isang Limousine at kami naman ay pumasok din sa isa pang Limousine. Hindi nag tagal umandar na ito patungo sa Lavistre Five Star Hotel. Napili namin na dito na lang ipagdiwang ang aking kaarawan tutal maganda dito at kasabay nito ang pagpapakilala ng Hotel na ito sa mga tao at potential company CEO's. Nang madaan kami sa isang kalye nakita ko ang matanda at isang tingin ko ay nasa edad 15 years old. Biglang sumagi sa isip ko ang nakaka bata kong kapatid. "Nasaan kana kaya?" pabulong kong tanong. Hindi ko alam kung maayos ba ang kapatid ko. Nakaka kain ba ito ng maayos. Kapag naiisip ko na baka hindi ito nakakain at nakakatulog ng maayos para akong dinudurog. Tumigil kami sa pag hahanap dahil talagang wala itong bakas sa kahit saan. Ang masakit doon nung iniwan ng kapatid ko ang motor niya. Nandun lahat ng gamit niya kahit ang relo nito na sadyang pinagawa para lang sa kanya. It's hard for me na naging ganun ang nangyari. Kung malakas lang ako, sana hindi inako ng kapatid ko ang lahat, kung naging matalino ako tulad niya hindi nagka ganito. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit sa sarili ko. Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko ng tingnan ko 'yun. Si ate Sky pala kaharap ko sila ng kanyang asawa na si Kuya Harold. "Stop thinking her. Kung nasaan si Flame ngayon alam kung kaya niya ang sarili niya at kaya niya mabuhay ng siya lang. Hmm?" nakangiting wika ni ate. "Pasensya na ate, hindi ko maiwasan hindi mag alala. Iniisip ko pa lang kung nakakatulong ba siya sa gabi? Nakakain ba siya ng maayos? Nato-torete na utak ko." sagot ko Malungkot itong ngumiti at nag salita. "Nag aalala din ako sa kanya. Pero alam ko kaya niya.. " wika ng ate ko. Ngunit ang ngiti nito ay hindi man lang umabot sa kanyang teinga. Maya maya pumasok na kami sa parking ng Hotel. Hanggang humaba ito sa underground parking, isa isa kaming bumaba nauna ako at inalalayan si Ate at ang mga bata. Kung kanina ay wala akong nararamdaman na kahit anong kaba o excitement tila ngayon ay parang buhay na buhay ang loob ko. "Mag iba iba tayo ng elevator hindi tayo kasya lahat," utos ko. Pumasok kami nila ate Sky, Storm, kuya Harold at Winter sa iisang elevator. Kasama din namin ang apat na kambal. Si Wendy naman ay nauna na dito dahil na rin na may baby na ito. Anyway lalaki ang anak nito, at ang pangalan ay Knives. Kung bakit? Simple, muntik na masaksak ni Wendy ang sarili niya ng minsan itong naglilihi sa prutas i totally forgot kung anong klaseng prutas.. Isang uri ito ng prutas na kulay green na maraming spikes sweet and sour ang amoy at lasa nito.. Wala siyang maisip na pangalan ng mga panahon na yun kaya yun ang naisip niya Knives na lang. Sila Blake at ang ibang Dela Vega kasama ang pamangkin kong si Cloud kasama ni Blake ito. Dahil hindi ito mahiwalay sa daddy niya. Hindi nag tagal tumunog ang elevator at nauna akong lumabas sa likod ko si Winter hawak ko ang kamay nito. Dahil takot itong mahiwalay, kung nandito ang ate niya hindi ito kakabahan. "Relax Winter," bulong ko sa itaas ng teinga nito. Tumango naman ito at naramdaman ko ang panlalamig ng kamay nito. Napa ngiti naman ako dahil ito ang First appearance niya sa mga tao na hindi niya kailangan mag tago palagi. Nang maka pasok kami mabilis kaming nag tungo sa pwesto namin sa ibaba ng stage. Ina-akupahan namin ang halos limang table para lang sa'min. Marami kami kaya hindi na 'yun nakakapagtaka. "Ang gwapo mo Thunder sa suot mo," nakangiting papuri ng Ina ni Blake. "Thank you po Mrs. Dela Vega. You're gorgeous in your dress!" papuri ko dito naman pabalik. Nakita ko naman ito mahinhin na tumawa. "Totoo ba na may bago daw na dating na panauhin sa birthday mo Thunder?" tanong ni Emerald sa'kin. "Hindi ko alam. Hindi ko chineck ang ang guests list ko," sagot ko at inalalayan itong umupo sa tabi ko. "Well, i heard bago ito at masyadong masekreto na klase na tao. " wika ni Mrs Christine Dela Vega. Ang asawa ni Mr Leo Dela Vega. "Ganun po ba? Baka po ka---" napa tigil si Hanz mag salita ng may pumasok na matangkad na lalaki na hindi ganun ka laki ang katawan. "Oh my god! Siya yung nakita ko kanina na sakay ng itim na Mercedes Benz!" kinikilig na wika ni Emerald. Nagulat ako ng salubungin ito ni Cloud at niyakap ang mga hita nito. Napa tigil ito sa pag lalakad at ngumiti sa pamangkin ko. Mabilis akong tumayo at ang ama nito. "Pa-pasensya na. Cloud let's go!" utos ni Blake sa anak nito. "It's okay. Not a big deal.." sagot nito pero biglang nag salita ang pamangkin ko. "Mama Flame! " tawag nito na kina lingon ko sa lalaki na ngayon naman ay nanlalaki ang mga mata nito. "Shh. Hindi siya mama mo anak, lakaki siya." awat ni Blake dito. Nag taka naman ako sa narinig ko. Pinag masdan ko ang lalaki sa harap ko. Kung ako tatanungin hindi siya mukhang lalaki, " I'm Thunder Lavistre. And you?" ako na unang lumapit dito. Nilahad ko ang ko at ganun din ito. "Lelouch Weinberg. Oh, the birthday celebrant, Happy Birthday Mr Lavistre!" naka ngiti nitong bati sa'kin. Nakipag kamay pa ito sa'kin. Pansin ko ang kamay nito kumpara sa kamay ko dito. Iba ang kamay nito para siyang babae, "Oh thank you. You can sit with us! We have a one vacant chair.." aya ko dito. "Oh your so generous, sure! Bago lang ako dito your secretary gave me a invitation card that's why i am here." sagot nito. "This way please.. really? Then welcome to the Philippines anyway!" pag welcome ko naman dito. Naupo ito sa tabi ni Emerald din, hanggang nag wala na si Cloud. "Anong problema Blake?" tanong ni Storm dito. Nag kamot ang ulo nito bago sumagot. "Gusto niya sa bagong dating. Hey my son? Stop it daddy will be mad," sagot at suway nito sa anak niya. "Come, kesa umiyak siya papuntahin mo na." nakangiting ni Lelouch. Nag ka tinginan kaming lahat kung paano ito ngumiti, hindi ko alam kung sa pag ka miss o dahil. "She look like ate Flame when she's smile.." nai-satinig ni Winter ang nasa isip ko. Yun ang gusto kong sabihin. Mabilis naman tumakbo si Cloud dito at tuwang tuwa pa ito ng buhatin ito ng bagong salta na ito. Imposible na nagpapanggap ang kapatid ko bilang lalaki. Napa buntong hininga na lang ako. Hanggang mag salita ang Emcee at tawagin ako. "Ladies and Gentlemen please welcome the CEO of Lavistre Group of Company, The Celebrant! Mr. Thunder Lavistre!" pag papakilala sa akin ng Emcee. Tumayo na ako at ngumiti sa maraming tao. Malalakas na palakpakan ang sumalubong sa'kin. Hindi naka takas sa paningin ko ang pag tayo ng lalaking si Lelouch at pumuwesto ito malapit sa main door, doon ito tumayo habang ang kamay ay nasa parehong bulsa niya. Tama si Winter, she looks like Flame.. "Good evening everyone! Thank you for coming to my birthday. And also salamat sa lahat ng nag asikaso nito, sa kapatid ko at mga tauhan sa kumpanya. I hope everybody will enjoy! " naka ngiti kong wika at inabot na ang mic sa emcee. Nag palakpakan naman ang lahat habang pababa ako. BLAKE SHIN DELA VEGA Hindi ko mai-alis ang paningin ko sa lalaking yun. Tama si Crystal may pagkakahawig ito kay Flame, nang umakyat si Thunder sa stage siya namang alis niya. "Kuya wala na siya tingin ko umalis na siya dito." bulong ni Crystal sa'kin. Nilibot ko naman ang mata ko sa paligid, ngunit wala na nga ito. "Bakit Blake?" tanong ni mommy. "Yung lalaki kasi kanina nagtataka ako bakit lumapit sa kanya si Cloud. Na parang kilala niya ito," nagtataka kung sagot. "Baka naman na overwhelmed lang yung bata. Ang gwapo kaya nung binata kanina. Kaso biglang mawala ng mag palakpakan kanina." sagot ni mommy. Hindi naman ako sumagot at hinayaan ko na lang silang mag saya. Nang makita ko ang bakanteng upuan na laging naka laan para kay Flame. Sa tuwing may okasyon o kahit sa bahay nito laging may isang upuan na walang umuupo. Ito ay dahil pagbibigay respeto sa taong wala at hindi namin kasama. Sa ganoong paraan sinabi ni Thunder at Ate Sky hindi makalimutan si Flame. "Daddy, where's the young man?" tanong ng anak ko may hawak itong pagkain na tingin ko ay isang klase ng manok. Na tinatawag na Cordon Bleu. Binuhat ko ito at kinuha ko ang table napkin. "I don't know baby. Maybe he's going somewhere else.." sagot ko dito. Yumuko ako upang kalabitin ang nakaka bata kong kapatid. "Crystal, may wipes ka?" bulong na tanong ko dito. "Opo kuya saglit ko. Pinag dala ako ni Mommy." sagot nito at agad hinahanap sa kanyang Hand Purse na binigay mismo sa kanya ni ate Sky as a gift. "Here kuya." wika niyo at inabot sa'kin. Kumuha ako at pinunasan ang bibig ng anak ko. Nagawa pa nitong itulak ang kamay ko. "Enough, amoy kana manok sige ka!" pananakot ko dito. Humikbi naman agad ito pero binaliwala ko na lang hanggang yumakap ito sakin at doon umiyak ng tahimik. "Shh.. linisan ka ni daddy para hindi ka mangamoy ng manok. Anak naman, pag kausap ko dito. Hinalik-halikan ko pa ang buhok nito hanggang tumingin sa akin ito. "Mama Flame ko daddy. I want mama ko!" iyak nito. Napa hilamos naman ako sa mukha ko. Narinig ko naman na tumawa sila Damon, "Baby si mama nasa malayo hayaan mo hahanapin namin si mama Flame okay?" pag papatahan dito ni Damon. Nakita ko naman itong nanahimik pero hindi pa rin mawala ang malungkot nitong expression. "Kaya huwag kana iiyak okay?" si mom naman ang kumausap dito. "Opo." tumatango nitong sagot. Yumakap muli ito sa'kin. Kahit anong hanap nila kay Flame wala itong bakas. Tumulong na rin kami pero kahit anong gawin namin wala talaga siya. Kahit ang mga kaibigan niya na sina Ken, Samantha, Asahina at Akira miski si Brent at Ang kanang kamay na si Lance ay hindi rin makita. Matapos ang gulo noon bigla silang nag laho. Tama si Thunder sinamantala nilang umalis habang lahat kami ay nakatuon sa gulong nangyayari. Nang sabihin ni Demitri na tatlo lang sila sa bundok ng bumalik sila kasama ang bangkay ni Azi. Kaya doon nag taka na ako kasi wala na sila Ken. "Kuya!! Lipad isip mo!" nagising ako sa pag tapik ni Crystal sa'kin. "What?" tanong ko dito. "Sabi ni kuya Thunder. Iuwi na daw ang mga bata at kami ni Winter kasama ka!" naka nguso nitong sagot. Napa tingin ako kay Thunder. "Susunod ako sa baba mauna na kayo. Nasa labas na ng hotel ang mga sasakyan." malamig na utos ni Thunder. Nag pakawala naman ako ng hininga at tumayo na ako. Inalalayan ko si mommy sa gown nito, "Uuwi ka na din Mrs Aliyah?" tanong ni Storm dito. "Oo. Kasi uuwi na itong dalawa." sagot ni mommy kay Storm. Binuhat ko naman ang anak ko na ngayon at nag kukusot na ng mata. "Hindi pa tayo tumatagal dito." natatawang wika ni Hanz. "Maiwan muna kami baka maka hanap kami ng girls dito!" natatawang biro ni Hanz na binatukan naman ni Yj agad. Natawa naman ako sa naging reaksyon ni Hanz. "Idamay mo pa kami?!" angil dito ni Yj. Naglakad naman pag una si Mom at Crystal nag paiwan sila tito Leo at tita Christine muna. Para na rin yan sa company. Maraming potential business partner dito na dumalo, hindi biro ang connection ng mga Lavistre when it comes to business topic. Pangalan pa lang nila daig na susi sa lahat ng pintuan. That's why marami din gusto silang pabagsakin. Naramdaman ko na may kasunod kami isa na rin sa hindi nawala sa kanila. Na kailangan may isa o dalawa na miyembro ng Lavistre at Valencia family ang kasama namin mas lalo kung hawak ko si Cloud, Winter at Crystal. Kasama dito sa lagi sa kailangan nilang protektahan. Hindi naman ako nagrereklamo o ano man karapatan nila yun, dahil kung nandito si Flame ganun din ang gagawin nito. Maluwag pa sila kung tutuusin dahil si Flame kung kailangan niyang itali sa katawan niya ang mga kailangan niyang protektahan ay gagawin niya. "Kuya mauuna kami ni Winter sa Limousine ha?" paalam ni Crystal sa'kin. Sasagot pa lang ako nang mag salita si Ezekiel. "Mag iingat kayo. "malamig na paalala sa dalawang dalaga. Ramdam ko naman na parang may nakamasid sa kilos namin. Nang lumingon ako sa kabilang side ng pasilyo wala naman akong nakita. "May problema ba kuya?" tanong ni Winter sa'kin. Nginitian ko ito at inayos ang pag buhat kay Cloud. "Nothing. Pakiramdam ko kasi na parang may nakamasid sa atin." wika ko. Mabilis naging alerto sila Damon sa likod ko namin. "Akala ko kami lang pero pati pala ikaw. Ramdam din namin kanina simula sa paahan ng mansion." wika ni Storm. Narinig ko na lang na may nag kasa ng baril sa kanila. Nang lumingon ako sa kaliwa ko si Earl pala, sa kanilang lahat dito ako takot ng husto. Ito ang pangalawa sa kinatatakutan ko na miyembro ng pamilya nila. Tahimik ito tulad ni Flame pero napaka delikadong tao kapag kumilos. Si Vladimir ng ikatlo sa at unang unang si Thunder. Madalang itong kumilos pero hindi rin basta basta kalaban ang ikalawa sa panganay na Lavistre. Kung titingnan sila para silang isang Royal Family kung ihahalimbawa lang natin. Their presence makes you freeze when they are in front of you. Ganun ang kanilang presensya. Si Damon palabiro ito at mahilig tumawa katulad ni Storm ngunit pare pareho sila ng kilos lahat. Nalaman ko din na sila pala ang pinaka malakas na depensa ni Flame sa Mafia. Kahit hindi kumilos si Flame kaya nila protektahan ang mga tao. Ngunit may kahinaan din sila yun ang sarili nilang isip. Mabilis silang mang hina at hindi nila kaya agad kumilos ng wala si Flame. Mabilis silang mag dalawang isip. That's why Flame is always behind their back. Para ito mismo ang mag papa kilos sa mga kasama niya. Kumbaga si Flame ang isip nila, si Flame ang utak sila ang kumikilos. Ngunit sa nagdaan na laban? Masasabi kong hindi na halos nag uutos si Flame sa kanila, mas lalo ng matapos may sarili na silang kilos ngunit nandun pa rin ang teamwork nila. Bilang mafia at bilang mag pinsan. - Awakening The Demon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD