“ Malalakas na katok ang narinig ni Cassandra mula sa labas ng kanyang silid.
“Cassandra Ano ba? bw*s*t! kang babae ka buksan mo itong pinto!” pagtawag ng kaniyang tiyahin mula sa labas ng k'warto niya na halos magpupuyos na ito sa galit dahil sa paulit-ulit na katok nito.
“Ikaw na babae ka! Tanghali na hanggang ngayon tulog ka pa!” galit na wika nito. “Kapag hindi mo binuksan ang pintong ito. Sisiguraduhin ko na makakalbo ang buhok mo!”
Napabalikwas na lamang nang bangon si Cassandra at dali-dali n'yang niligpit ang kaniyang higaan.
“Naku! paktay na talaga. Ano ba kasi oras na?”
Napa-sapo nalang si Cassandra sa ulo niya nang mapalingon siya sa orasan. “Halos mag-aalas otso pasado (8:30 am ) na ng umaga.”
"Cassandra!” isang malulutong na tinig nito at malalakas na katok sa pinto ang kaniyaang muling narinig.
Patakbong nilisan ni Cassandra ang kama n'ya at mabilis binuksan ang pinto.
"Chang!” wika nito nang bumungad s akaniya ang masamang tingin ng tiyahin niya.
Subalit isang malakas kaagad na sampal sa mukha ang kaniyang naramdaman.
“Chang! Bakit n'yo po ako—” tanging wika ni Cassandra sa hindi nito maituloy na pagsasalita. Kasunod nito ay ang paghablot ng tiyahin sa kaniyang buhok at sabay hawak nito sa kaniyang balikat. Na halos bumaon na ang mga kuko nito sa kaniyang balat.
"pakiusap po Chang! Tama na po! Nasasaktan na po ako!”
“Ah! Nasasaktan ka! Kung ganoon ito pa!”
Malakas na sampal at sabunot na may kasamang sipa ang natamo ni Cassandra na tanging mga luha lamang ang iginagawad niya sa natatamo niyang masasakit sa katawan.
“Chang! Pakiusap nasasaktan na po ako! Maawa na po kayo!” maluha-luha niyang wika. Ngunit tila hindi man lang naririnig ang bawat pakiusap niya.
“Ano sabi mo maawa? Sa akin ba naawa ka!
Ito ang tatandaan mo, Cassandra Hidalgo! Hanggang ngayon palamon pa rin kita at patira sa pamamahay ko, kaya wala ka nang karapatan magreklamo!”
“ Ayoko na po Chang!”
“ nababaliw ka na talaga Cassandra! Halos kulang pa ito sa mga ginawa n'yo sa akin nang magulang mo kaya nararapat lang napagbayaran mo! Ang akin ay akin Cassandra kailanman ay hindi magiging sayo! Tandaan mo 'yan!
Halos mamugto ang mata ni Cassandra at mamaga ang kaniyang mukha. Dahil na rin s ailang galos at pasa sa ang kaniyang natamo mula s akaniyang tiyahin. Gustohin man niyang tumayo ngunit tila pinipigil siya ng kaniyang mga paa.
“Bilisan mo at ayusin mo ang iyong sarili dahil marami-rami ka pang dapat gawin sa pamamahay na ito!” wika ng kaniyang tiyahin sa nang gagalaiti nitong boses at kasabay nang pag-alis nito mula sa kaniyang silid.
Walang tigil ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga hita. Na kahit anong gawin niya ay walang sino man ang makakatulong sa kaniyang pinagdadaanan. Marahan niyang iginalaw ang mga paa na kanina pa nangalay dulot nang pagsabunot nang kaniyang tiyahin.
Naupo siya sa sahig ng kaniyang k'warto na kalakip lang nang kaniyang kama habang nakayupyop siya sa kaniyang dalawang tuhod. Kasunod noon ang pagyakap nito sa kaniyang sarili habang sumasabay ang mga luhang hindi niya kayang pigilan.
“Bakit ba nangyayari ito sa akin? Ano bang malaking kasalanan ang aking nagawa? Ano pa ba ang kulang? Saan ba ako dapat lumugar?” sunod-sunod na tanong niya sa kaniyang sarili. Mga tanong na hindi niya kayang sagutin. Humihiling na sana ay makaligtas siya sa pait na kaniyang nararanasan. Kinuha niya ang unan sa kaniyang tabihin na hindi naman kalayian sa kaniya. Niyakap niya ito at tila doon niya ibinuhos ang lahat. Ang lahat nang sakit at paghihirap niya.
“Sana lang may isang taong kaya akong tanggapin. Pagtanggap sa mga nararanasan kong kalupitan.”
Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. Habang ang bawat hampas at dampi ng malamig na hangin nito sa kaniyang balat ay kaniyang nararamdaman. Dahan-dahan siyang tumayo at nagtungo sa kaniyang balkonahe. Nakikita niya ang maliwang na sikat nang araw na tumatama sa kaniyang mga mata. Tanaw rin niya ang mga taong tila ba masayang pinagsasaluhan ang mga prutas na kinukuha ng mga ito mula sa punong mangga at mga gulay na hitik na hitik sa bunga. Mayroong mga kamatis, sitaw, talong na isa sa mga pananim rin ng kaniyang ama. Kahit man paulit-ulit niyang isipin ang aksidenteng nangyari s akaniyang magulang ay hindi man lang niya makaya. Na halos hinihila siya ng sakit at hapdi s akaniyang puso. Na sana kasama pa niya ang pinakamamahal niyang magulang. Unti-unti niyang pinalis ang luhang walang humpay sa pagpatak. Na kahit pugto na ang kaniyang mga mata ay hindi niya kayang pigilan. Tumingala siya sa itaas ng kalangitan kasabay nang pagpikit ng kaniyang mga mata.
“Mama! Papa! Pagod na po ako! Hindi ko na po kaya! Ayoko Na!” tanging wika niya sa kaniyang isipan at mga luhang hindi niya makayang pigilan.