Cassandra (the innocent)
Chapter 2
"Manang Lusing" Manang Lusing",Isang maliit na tinig ang narinig ng matanda mula sa loob ng bahay nila.
Mabuti at maaga kayong nakarating kanina ka pa hinihintay ng anak mo." Ganun po ba " wala kasing traffic ngayon kaya naman mabilis ang byahe papunta namin dito.
Nasaan nga pala si Cassandra, Manang Lusing"sambit nito.
Nanduon sa kanyang silid pinaakyat ko muna habang wala ka pa.
kakaalis lang din ng asawa mo kanina,M'am Elisha.tugon ni Manang Lusing,
Makalipas ang ilang sandali ay bumaba na si Cassandra mula sa kanyang silid.Patakbo n'yang nilapitan ang mama n'ya.
"Mama" sigaw ni Cassandra habang bumababa ng hakdan.
Cassandra .... tawag ng kanyang ina.
Magdahan-dahan ka nga sa pagbaba mo baka mahulog ka. Mama, sabay halik nito sa pisngi ng kanyang ina, "Oh nga pala nand'yan na ang "Chang" mo.
'Mama', Bakit nga pala sila napadalaw dito, di ba ayaw niya dito sa ganitong probinsya.
Naku anak hindi ko din alam kung bakit biglaan ang bago ng isip ng "Chang" mo.Sabi lang niya eh, i-try n'ya ang pagtira dito.
Nagulat si Cassandra sa sinabi ng kanyamg ina. Anu po sabi n'yo mama? "sabi ko dito muna mamalagi ang "Chang" mo. Kasama ng pinsan mo isang buwan lang sila dito anak at uuwi din naman sila. "Ah ganun po ba.Ayaw mo bang nandito sila,sambit ng ina niya. "Ay hindi po mama malaki naman po itong bahay natin may mga Guest room naman po dito at may tatlo pang kwarto bakante.
Malaki ang bahay nina Cassandra halos parang mansion na din ito kung titingnan mo, dahil may fool din naman ito.Yun nga lang napapaligiran sila ng matatayog na puno kaya magandang lumanghap ng sariwang hangin.
Sa totoo lang mas gusto ni Cassandra tumira dito kaysa sa "Syudad (CiTy). Dito payapa at mababait ang mga tao samantalang sa syudad puno ng maiingay na sasakyan. Minsan na din kasi s'ya napatira doon dahil sa mga kamag-anakan ng papa niya 'yun nga lang dalawang linggo lang siya namalagi doon at ayaw niya din matagal.
Mga boses ng babae ang naririnig niya mula sa labas ng pinto ng bahay nila at hindi nga siya nagkakamali ang tatlo niyang pinsan.
"Hello" Cassandra bati ng isa sa pinsan n'yang si Carol. Habang ang dalawa nakatitig lang sa kanyang at nakapamey-awang pa.
"Hello din sa inyong tatlo,tugon n'ya kaya naman pala nagtatagal ka dito Cassandra sa laki ba naman ng bahay mo. Bulaslas ng isa sa mga pinsan n'yang si Amy na halos hindi maipinta ang mukha sa kapal ng make-up nito.
Sariwa kasi at tahimik dito.Kaya mas gusto ko ang lugar na ito.
Cassandra tawag ng isa sa pinsan niya si Lea.
Saan nga pala ang kwarto namin dito.
"Ah... may mga guest room naman dito. Pwede ko kayong samahan dun.
"What!!!, gulat na tanung sa kanya. Ayoko sa guest room hindi kami bisita Cassandra. H'wag mo kaming patulugin sa guest room. Nagmumukha kaming bisita mo lang. Sabay pag- irap ni Lea kay Cassandra.
Naku pasensya na di naman sa ganun pero may bakanteng tatlong silid pa naman kaya pwede kayo doon.Tatlo lang eh,apat kami.Sambit naman ni Amy sa kanya habang nakapamey-awang pa sa harap n'ya.
Maganda at mabait si Cassandra halos perfect nga kung tutuusin matalino at maganda ang hubog ng katawan..hindi nga lang s'ya gala katulad ng iba mas gusgustuhin pa n'ya ang magbasa ng libro...kaysa maglak-kwatsya di tulad ng pinsan niya laki sa luho mga spoiled brat pero mas nangingi-babaw ang ganda niya sa tatlo. Hindi naman talaga niya kadugo ang mga ito.
Kaya kahit na pakitaan siya ng sama ng ugali hindi niya pinapatulan dahil pinalaki s'ya ng magulang n'ya na may respeto at malawak na pang-unawa sa kapwa.
Pasensya na talaga iyan lang kasi ang meron kami dito.
"Mommy', tawag ng tatlo sa ina ni lang si Belinda. Teka nga anak may problema ba. Ayaw namin sa guest room. Pwede ba tumigil nga kayong tatlo. Mahiya naman kayo kay tita Elisha n'yo tugon namn ni Belinda sa kanyang anak."Sorry Elisha ganyan talaga silang tatlo makukulit. Naku wala iyun ikaw pa ba".
"Wow ang ganda -ganda talaga dito.Gusto ko dito mommy. Tumigil ka Lea!!! "sambit ni Belinda sa kanyang anak.
Si Belinda ang tiyahin ni Cassandra. Nakina-kapatid ng kanyang ina. Bata palang ito ay inampon si Belinda ng pamilya ng kanyang ina.kaya naman itinuring na din itong pamilya at tiyahin ni Cassandra. Mabait naman ito sa kanya,subalit may pagkakataong
hindi n'ya maintindihan kung bakit medyo malayo ang loob nito sa kanya."Sabi ng mama " niya istrikta lang talaga ang "Chang " n'ya. Kaya paki-samahan nalang at paki-bagayan dahil hindi naman ito ganun kasama. Pero lingid kay Cassandra ay parang kakaiba ang pakiramdam niya dito may kung anu na hindi niya maintindihan.