Dali-dali akong nagbihis dahil kanina pa ako kinakatok nila rafa at kelly, kakain na daw,natulogan ko pala ang takot,at pagiisip nang mga nakakatakot hays!will wala namang nangyari sa akin buo parin naman ako..
tattered jeans na may malaking butas sa makabilang tuhod at black korean over sized loose t-shirt na may nakasulat na malaking f**k na letra,at e tinak-in ko na ito kumuha ako nang belt kasi medyo maluwag ang jeans ko,pinuyod ko nalang ang buhok messy bun style kaya kitang-kita ang tatlong piercing sa taynga ko stud earrings na desenyong star lang ang nilalagay ko sa taynga ko ayaw ko kasi nang malalaking hikaw.tapos sinuot ko na ang sapatos ko..
Inayos ko muna ang hinubad kung shorts kanina Ayaw ko kasi nang makalat,tutupiin ko na Sana ang short ko nang may biglang nalaglag,ang coin pala na napulot ko kanina,tiningnan ko ulit ito Hmmm,siguro tinapon tong coin na to kasi hindi naman matatangap to pag ibili sa tindahan..
Sab are you done!"tawag ni kelly
Naputol ang pagbusisi ko sa coin dahil sa tawag at katok ni kelly
Yeah!"inilagay ko nalang sa bulsa ko ang coin at tinungo ang pinto
Ang tagal mo naman!"Angil ni kelly
Nagbihis pa ako eh"!sagot ko
Tara na doon dining area
Nauna siya sa akin at sumunod naman ako sa kanya..
Hoy hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo?"tanong ko sa kanya
Hindi bakit?"
Suot niya kasi Subrang ikli na short halos kita ang kanyang kuyot,at spaghetti crop top,di man lang nag jacket ang babaeng to..
Gabi na at malamig dito paggabi!"sabi ko
Duh balak ko nga mag two piece nalang eh gusto ko kasing mag night swimming!"sagot niya akin
Dumating na kami sa dining area nakita ko si rafa kausap si manang nelda
Magandang gabi binibini sige maupo na kayo para makapagsimula na tayong kumain!"
Magandang gabi din po manang!ganting bati ko alangan namang hindi ko siya babatiin baka mamaya isipin niya subrang sungit ko naman diba mamaya aswang pala siya,una niya pa akong kainin..oh em gee! ito na naman ako sa iniisip ko..
Hays!im so hungry na talaga!"sabi ni kelly
Me to!"sigunda naman ni rafa
Kainan na!sabi ni kelly at rafa
Mga binibini wag nating kalimutang magdasal at magpasalamat
Gusto kung matawa sa itsura ni kelly at rafa ngayon hahhaha so epic!nakanganga kasi silang pareho at isusubo na sana ang pagkain..
Sabi ko nga po kailangan nating thank you sa god hehehehe!"sabi ni rafa
itong kasing si kelly eh etchosira,gutom na gutom teh..
What!why me ikaw din kaya!"sabi ni kelly
Natawa lang si manang nelda!oh siya tayong magdasal na,at nagsimula na kaming magdasal..
At nag-umpisa na silang kumain!"
Ang sarap nang luto mo manang nelda!"puri ni kelly
Ah ganon ba salamat
Oh binibini bakit hindi ka pa kumain?"tanong ni manang sa akin
Ha!hehehehe ahm..whats this? turo ko sa mix veggies na nasa harapan ko..
My god sab!"hindi mo alam yan!grabe ha subrang yaman ninyo tapos hindi ninyo afford ang ulam na yan!wag kasi puro steak,pasta at foreign food ang kainin mo teh kaloka ka!"sabi sa akin ni rafa
Tumawa lang si kelly!
Ah ito ba binibini"ito ay pakbet masarap yan at sarling gawa namin ang bagoong na pinaghalo namin diyan"turo niya sa mix veggies sa harap ko, ito naman ay pritong galong-gong masarap yan isaw-saw sa toyo at kalamasi na may sili ito oh! inabot niya sa akin ang sawsawan..ito naman ang ating panghimagas ito ay buko pie..
Nagsimula na akong kumain,kaso sitaw lang ata ang kinain ko,sa what you called pakbet,okay na sa akin Yong fishy,ano ba ang tawag doon galong-gong..
Buko pie na ang kinakain namin ngayon..
Ah manang totoo po bang matutupad ang wish mo pag nag wish ka sa fountain na yon?"biglang tanong ni kelly
Hindi ko alam kung natutupad ba ang hiling nang mga toristang humihiling diyan..pero sabi nang aking ninuno mahiwaga daw ang fountain na yan,matutupad daw ang iyong kahilingan,kapag ikay humiling na kabilugan na nang buwan at may bumabagsak na bulalakaw,bibihira lamang bumabagsak ang bulalakaw, nang sa ganon Ay didingin nang angel ang iyong hiling!...nakikinig lang ako sa usapan nila habang kumakain nang buko pie masarap eh bakit ba!!
bulalakaw ano po yon!anong ni kelly
Falling star!sagot ni manang
Tuloy lang sila sa pag-uusap ang dami pang tinatanong ni kelly kay manang pumasok nalang kaya tong si kelly sa talk show ang daming tanong eh!"..
Maya maya ay tapos na kaming kumain..
Hoy ano nang gagawin natin!"tanong ni kelly
Matulog ka na doon teh,siguradong pagod na yang bunganga mo kakadaldal kay manang!"sabi sa kanya ni rafa
Pshhh!kainis ka raf
tseee!!
Mag-inoman nalang tayo sabi ni rafa
Akala ko ba magrelax tayo bakit may kasamang lasingan rafa!"sabi ni kelly
Masarap magrelax na may kasamang alak!"si rafa
Kukunin ko lang ang alak na binili ko kanina
Rafa baka pagalitan tayo ni manang nelda!"sabi ko
Don't worry magpaalam na ako kanina okay lang daw basta hindi tayo masyadong magpakalasing at umalis na siya..
Ang sarap talagang mag night swimming sab!look oh ang sarap lumangoy under the moon,siguro full moon bilog na bilog ang buwan..
Bilog na bilog nga ito at ang gandang tingnan pinalibutan ito nang mga bituin..
Hoy sab kunan mo nga ako nang picture dito,sayang hindi ko dala ang dslr ko dito hays,inabot niya sa akin ang cellphone niya.ayosin mo ha!
Pshhh!
Pagkatapos ko siyang picturan binigay ko na sa kanya and phone niya..
Ang pangit naman nang kuha mo sab kainis ka isa pa nga!"
Haysss!at nagsimula na siyang mag post ang kung ano ano.si kelly maganda sa kanya maging model magaling kasi siyang mag post sa camera..
Inabot ko na ulit sa kanya ang phone niya at tiningnan naman niya ang kanyang mga picture..
Love it thank you sab!
Dumating na si rafa may dala na siyang tatlong baso at dalawang boteng alak at chips
Inilapag ni rafa ang dala niya sa misa at umupo naman kami ni kelly sa upuan,
kaya pala ang talaga ninyo kanina bumili pala kayo nang alak! tanong ko
Duh hindi ko nga alam na bumili pala si rafa nang alak kasi busy ako sa pakikipag-way sa bruha na yon!"
Syempre balak ko na yon,ang boring kaya pagwala tayong alak..
Nag-umpisa na kaming magsalin nang alak sa aming kanya-kanayang baso unang inom ko gumuhit agad ang pait at anghang sa lalamunan ko,..
Ang sarap talaga pagganito no walang stress,walang pressure sa trabaho,walang ingay, ang fresh nang hangin nakakarelax sa utak,parang ang sakit na nararamdam nang puso mo parang uti-unting nawawala!"sabi ni kelly
Anong walang ingay!"ang ingay kaya nang bunganga mo teh!"
Nagtawanan nalang kami!"Tama si kelly ang sarap sa pakiramdam nang ganito tawanan lang kayo nang tawanan parang wala kayong problemang pinagdada-anan kaya napaka swerte ko at may kaibigan akong tulad nila..hindi man ako masaya sa parents ko atlest masaya ako sa mga friends ko..
Biglang tumunog ang cellphone ko,madami pala akong text messages lahat galing kay daddy!at ang isa ay kay mommy..
Hi sab anak how are you?
Hindi ko na ni replyan,nakakadala nang mag reply,, pag nag reply ka sa kanya na ayos kalang wala kang makuhang reply at kahit pa sabihin mo na may sakit ka wala ka paring makuhang sagot mula sa kanya.your too busy mommy! to the point that you haven't notice that your husband cheated on you,napapikit ako sinusubukan kong pigilan ang luha ko,ayaw kung makita nila rafa at kelly na umiyak ako..
Hoy!sab are you okay!"tanong sa akin ni kelly
Ha!yeah!"ngumiti ako para itago ang lungkot ko nagsalin ako nang alak at ininom yon..
Isang oras na kaming nagiinuman,naubos na namin ang isang bote!"
May tama na ako!"sabi ni kelly
Kahit ako may tama na rin at kahit si rafa ay tama na rin..
Oi!"guys bakit hindi tayo mag wish sa fountain na yon turo ni kelly malay ninyo magkakatotoo ang wish natin..
Hay naku kelly wag ngang maniwala sa ganon!hindi totoo yan no..
pshhh!ang kj mo raf! sabi ni kelly
Alam mo magpa sounds nalang tayo! kinuha ni rafa ang cellphone niya at nag play nang music,sinabayan naman nito ang kanta,sumabay narin si kelly sa pagkanta,napangiti nalang ako hindi nagtagal ay sumabay na rin ako sa pagkanta...
Nakalahati naman namin ang panghuling bote kaya ramdam kung lasing na kami,at nagsasayaw sila kelly at rafa..
Come on sab!"let's dance!"sabi ni kelly na lasing na rin
Yeah come on sab!"wag kang kj teh
Okay!"tumayo na ako bigla akong nakaramdam nang hilo kaya muntikan na akong ma out balance..
Shit!"muntik pang matapon sa damit ko yong alak na nasa basong hawak ko..
Nag-umpisa narin akong sumayaw,at napangiti ako,this is great!..
Oi!mga teh pasok na ako sa loob lasing na ako!"sabi ni rafa at pasuray-suray na naglakad papasok!"
Sab pasok na rin ako!god na hihilo na ako *hikkk*!hays sana mapaginipan ko si ino at sana ganon din siya napapaginipan niya rin ako hehehehe
Dream on kelly hahhaha!
Fuck you sab you really are my best friend tsss!bahala ka diyan pasok na ako..
Ako nalang ang natira sa labas,tiningala ko ang buwan..ibinalik ko na ang tingin ko sa baso na hawak ko,may laman pa pala tong alak,kaya ininom ko na yon at inipalag ko sa misa ang baso,nang humakbang na ako muntik na akong matumba!
What the---god! umiikot ang paningin ko..hindi ko na alam saan ako pa punta tong nilakaran ko..damn this is great sab..maya maya tumama ang tuhod sa fountain..oww! hehehhe
Sabi ni manang mahiwaga ka raw weeeh!hahhaha sige nga dalhin mo nga ako sa lugar na malayo sa daddy ko, yong hindi niya ako matunton,kahit ipahanap niya ako sa mga bodyguard niya.i hate him kasi eh,sige na kahit pansamantala lang please tumulo na ang luha ko..wait pinunasan ko ang luha ko!" di ba kailangan nang coin pagnagwish?urrghh stupid sab!"your f*****g stupid!of course you need a coin,wait dukot ko sa wallet ko, oh no!"wala akong barya"hindi ko kasi tinanggap ang sukli ko kanina!" natanggap ka ba nang isang libo?"siguro naman tutuparin mo ang wish,isang libo kaya to.. sab! coin nga diba!"coin buragets ka"!
Ibinalik ko ang wallet ko sa bulsa ko..muntik na naman akong matumba..
Oppsssh!wait may nakapa akong isang coin sa bulsa ko..ito may coin ako hindi nga lang to matanggap to sa tindahan,wala kasing halaga to..pero atlest coin pa din diba..
Sige nga Dalhin mo ako sa lugar na malayong malayo sa parents ko, wala naman silang paki-alam sa akin eh!"hinagis ko na ang coin na hawak ko,kaso bigla akong na out balance at dumiretso ang katawan pabagsak sa fountain kasabay nang pabagsak nang coin na hinagis ko.napapikit nalang ako.parang nag slow-motion ang lahat..
Lingid sa kaalaman ni sabrina kasabay nang pagbagsak niya kasama ang barya ay kasabay din ang pagbagsak nang bulalakaw sa langit..