Sino ka?anong ginagawa mo sa aking silid?
Urghhh!obvious ba?alam namang naglilinis tanong pa nang tanong!"sino ba tong kasi tong lalaking to! Hindi ko kasi siya makita kasi nakatalikod ako sa pinto -an habang nagpupunas nang sahig"but wait sabi niya silid daw niya to..teka! oh emm gee! so ito na ba si agustin?my god! andito na ang boss...hindi ako makagalaw para akong natutuod..
Sino ka?sigaw niya akin kaya nataranta naman akong humarap sa kanya..
Ooooh my god!hindi ko mapigilang sambit!damn bakit ang gwapo niya...shit may gwapong nilalang palang nakatira dito,at hindi lang gwapo ang sexy pa s**t na malagkit,kahit simple lang ang suot niyang kameso,pero lutang talaga ang kakisigan niya..god!..
Tapos mo na ba akong titigan?kung ganon maari mo na ako sagutin sa aking tanong!"
At isa pa mapangahas ang iyong ginagawa,ang titigan nang matagal ang isang ginoo!"dagdag na sabi nito...
Ha!ano daw mapangahas ang titigan siya nang matagal!..grabe naman pala tong lalaking to eh!.
Ha!ano ah,isa po akong ta---
Ah señorito siya po pala si rina,bago ninyo pong taga pagsilbi siya po ang ka halili kay marta!"sabi ni felina na hindi ko namalayan na nasa likod na pala ni señorito agustin..
Opo yon nga po,señorito hehehehe!umayos ka sab umayos ka nakakahiya ka...
Kung ganon maari ka nang lumabas akoy magpapahinga na!
Sige po!!yan lang ang nasabi ko at dali-dali ko namang kinuha ang mga gamit panglinis
Nang makalabas na ako sa kwarto isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.. damn
Rina ayos ka lang?tanong sa akin ni felina
Ha! oo naman hehehehe!kailangan ko nang tubig nauuhaw ako natuyu-an ata ang lalamunan ko tara na
Tumango naman siya at hindi na nagsasalita..
Pagdating ko sa kusina uminom agad ako nang maraming tubig..
Oh anong nangyari saiyo rina?napagod ka ba at naka limang baso ka nang tubig?tanong sa akin ni linda habang inilapag ang bayong na may lamang mga gulay,tiningnan ko naman ang sinasabi ni linda...
Shit!naka limang baso na nga akong tubig..
Oo ayos lang ako, kulang pa nga to eh!dapat walong basong tubig ang iniinom natin sa isang araw..nang sabay inomin sab seryoso ka?..
Si manang saan?tanong ko kay felina
Nandoon pa sa labas,marami kasi kaming nabili,gawa nang maraming sariwang gulay at isda ngayon sa palingke,kaya ayon naparami ang bili ni manang..
Ah ganon ba!teka saan si felina akala ko nakasunod siya akin?..
Ah si felina ba hanap mo,nakita ko siya sa labas siguro ay kakausapin niya ang kanyang kapatid na si ginoong felipe!siya ang kutsero ni señorito agustin..
Ah! sige tulungan na kitang ipasok ang pinamili ninyo! tika ilagay ko lang tong panglinis sa likod!"
Nang mailagay ko ang gamit pang linis sa likod, ay pumunta na kami sa labas..
Pagdating namin sa labas,nakita ko agad si manang!"
Manang ako po magbuhat niyan!"
Oh sige salamat masakit na rin tong bewang ko,siguro ay kakalakad ko kanina sa palingke, oh mauna na ako sa loob! at maihanda ko na ang mga rekados na lulutuin..
Sige po!bubuhatin ko na sana ang bayong nang bigla akong tinawag ni felina..
Rina!halika ipapakilala kita sa aking kuya! pumunta naman ako at sumunod naman si linda..
Rina ito nga pala ang aking kuya felipe! siya ang kutsero ni señorito..
Kuya felipe siya nga pala si rina bagong taga pagsilbi dito sa mansyon..
Magandang Umaga sayo magandang binibini! hindi ko nababatid na maroong palang napakagandang binibini sa bayang ito!"bati ni felipe sa akin at tinanggal pa nito ang salakot at itinapat sa kanyang dibdib..
Ay maypagkaboliro din pala tong si felipe,,ahm hi!nice to meet you!ay este..magandang umaga rin ginoong felipe!
Tumango naman siya sa akin..
Magandang Umaga din sayo,binibining linda! ikaw ay maganda pa sa Umaga! bati naman nito kay linda!na ngayon nakatingiti nang mahinhin..
Magandang Umaga din sayo ginoong felipe! lalo kayong gumandang lalaki sigurado akong nasasabik na si celia na makita ka..
May love life na pala tong si felipe eh! at celia ang pangalan,will may itsura naman si felipe,tipikal na ginoo,moreno at matangos din ilong kumbaga lalaking version siya ni felina..sa panahon na ito ata nauso ang dark tall and handsome eh...
Pero si señorito agustin iba talaga siya,iba ang tingin niya,para kang hinihigop,at ang sexy nang dating,kumbaga tingin pala ulam na ganern!..eh bakit ko ba sila kinukumpara
Ahm sige ginoong felipe pasok na kami sa loob,baka inaantay na kami ni manang,.tara linda!"paalam ko sa kanila
Sige!sabi naman ni linda
Tumango naman si felipe sa amin
Susunod din ako,may sasabihin lang ako kay Kuya!"sabi naman ni felina
Tumango naman ako bilang tugon
At kinuha na namin ang bayong,bubuhatin ko na sana ang nang magawi ang tingin ko sa bintana nang kwarto ni señorito agustin..
At napansin Kong nakatingin siya sa akin.. at nang tingnan ko naman siya ay nagiwas siya nang tingin..
Pshhh!...
Pumasok na kami sa loob!nadatnan namin si manang na namimili nang gulay na lutuin..
Oh andito na pala kayo,magluto tayo nang kalderitang baka at tinolang manok..yan ang pinag-utos ni señorito agustin
Rina ikaw na muna ang maghiwa nang gulay!"utos ni manang sa akin
Linda ikaw naman ang maglingas nang apoy"utos ni manang kay linda
Opo!sabay naming sabi ni linda
Wait!ano ba ang gulay nang kalderita..i think may carrots yon and potatoes!"naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si manang
Rina ito ang mga gulay,balatan at hiwain mo nalang yan!"sabi sa akin ni manang..
Oh thanks manang hindi na ako mangangapa kung ano ano ba ang mga gulay nayon..
Inumpisahan ko na ang pagbabalat nang mga gulay..
Tika nag-utos nga pala si siñoreto agustin nang kape!tarantang sabi ni manang at dali-dali naman itong nag timpla nang kape...
Rina paki dala ito sa silid ni señorito!utos sa akin ni manang
What why me manang!
Sige po!"i have no choice kainis
Dala ko na ang tasa nang kape paakyat sa silid ni señorito agustin..
Hindi muna ako kumatok,relax sab! parang hindi ka naman nakakita nang gwapo at sexy na lalaki eh kung magkaganyan ka naman okay..okay inhale exhale..inhale...exhale..
Pagkatapos ko sa breathing exercise ko kumatok na ako..
Pumasok ka bukas yang pinto!rinig kong sabi nito sa loob
Agad ko namang binukasan ang pinto..nadatnan ko siyang nasa misa na may binabasang libro..
Sir!ay este!..señorito ito na po ang punag-utos ninyong kape,at inilapag ko na ito sa misa niya..hindi niya ako tinaponan nang pansin masyado siya abala sa pagbabasa..
Kahit medyo nakayuko siya ang gwapo pa rin niya, may mga kaunting buhok na tumatabing sa noo niya kaya naka dagdag ito sa ka gwapohan nito,bahagya din kumibot ang kanyang mapupulang labi...ang sarap halikan
What the fu---ck halikan!what ano ba tong iniisip ko!!..
Bigla itong nag-angat nang tingin.kaya nataranta na naman ako..
Ah sige po señorito kung wala na po kayong ipag-uutos ako po'y aalis na!turo ko sa pinto..at tumalikod na..
Sandili!"sabi nito kaya utomatikong lumingon ako sa kanya!!..
Sagutin mo muna ako!"