Habang hinugasan ko ang pinag-inuman kung baso ay,nakita ko sila felina at linda papasok sa kusina..
Oh bakit kayo umalis doon sa hapag baka may kailangan si señorito doon at narito tayong lahat!"sabi ni manang
Ayos Lang daw po si señorito manang pinapaalis niya po kami Doon!sabi ni felina
Ganon ba o sige!diyan lang muna kayo at may kukunin lang ako sa ligod,wag kayong umalis diyan at baka may kailangan ang señorito agustin!"paalam ni manang..
Oo nga pala rina ikaw nalang ang magdala nang inomin kay señorito,at palagay ko'y ikaw ay hinahanap niya!sabi ni linda na may mapanuksong ngiti.at si felina ganon din..
Bakit ako! kaya nga nagdahilan akong iinom nang tubig eh para makaalis doon urghhh!at ano daw ako ang hinahanap!"
Sige na rina ikaw na ang magdala nang tubig kay señorito agustin,para iyong makita kung gaano ka gandang lalaki at kabango ngayon ang señorito agustin!sabi ni linda na kinikilig pa..
Ito talagang si linda! may kunting kahalayan din to eh!!hays kinuha ko nalang ang pitsel dahil wala naman ako choice ulit,at hindi naman ako makapagreklamo dahil kung anong isipin nila na umiiwas ako at isa pa bat nga pala ako umiwas?tssk damn
Nilagayan ko na nang tubig ang pitsel nang mapuno,isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago pumasok sa hapag lingon ko muna sila felina at linda pero ganon padin,mapanuksong tingin parin nakikita ko sa kanila..
Okay sab relax remember ikaw si sabrina aurelio!yeah a damn bitch..
Pagpasok ko sa hapag nakita ko si agustin na nakayong kumakain at parang malalim ang iniisip kay hindi muna ako nagsalita tiningnan ko lang siya..kahit nakayuko ang gwapo parin niya, pati ang pagnguya gwapo sa kanya, damn pati pagnguya naggagwapohan ka sab!at tama nga si linda ang bango niya siguro ay bagong paligo siya dahil maaamoy mo sa kanya ang ginagamit niyang sabong panligo at ang bango parang ang fresh nang amoy na parang gusto mo nalang siyang amoyin maghapon..
Tuloy lang siya sa pagkain hindi man lang siya nag-abalang mag-angat nang tingin,hindi ba niya naramdaman ang presensya ko,tapos bigla siyang ngumiti..
Nagsalubong ang kilay ko,lakas din nang trip nitong si agustin,pero inferness ang gwapo niya sa ngiting yan,ang ngiti kasi niya Yong hindi kita ang ngipin,half smile kumbaga.bigla siyang nag-angat nang tingin saktong napadako ang tingin niya sa akin kaya ngumiti ako.magsalita Sana ako kaso nasamid siya! kaya dali dali akong nag-ipis nang tubig sa baso.
Señorito ayos lang ba kayo?tanong ko sa kanya habang inaabot sa kanya ang baso nang tubig.tinanggap naman nito ang inabot ko.uminom muna ito bago nagsalita..
Oo ayos lang ako!sagot nito na hinagod pa nito ang lalamunan..
Hindi ka man lang nagpahiwatig na ikaw ay andiyan!
Pshhh!sa lalim nang iniisip mo,kahit magsalita ako dito hindi mo ako maririnig kahit nga presensya ko hindi mo naramdaman!pabulong kong sabi
Ano ang iyong turan?tanong nito
Ahh sabi ko po,ang lalim nang iniisip ninyo baka makaabala pa ako..
Tiningnan lang niya ako saglit at nagtuloy na sa kanyang pagkain..
Ahm señorito kung wala po kayong kailangan aalis na po ako..
Nagpahid muna ito sa kanyang bibig bago magsalita!!.
Kailangan ko pa nang tubig!"sabi nito
Ha!bakit hindi nalang siya ang kumuha nang tubig total malapit lang naman ang pitsel at baso sa tabi niya
Señorito ang lapit lang nang pitsel sayo oh!sabi ko sa kanya na tinuro pa ang pitsel..
Nagririklamo ka sa aking utos Baka nakalimutan mo na isa kang taga pagsilbi at ano man ang iuutos ko ay dapat lamang na iyong sundin,hindi ako tumatanggap nang utosang tamad!"sabi nito sa akin..
Wow grabe naman to,para sinabi ko lang na malapit lang sa kanya ang pitsel aba ang dami nang sinasabi.at ano ako tamad,aba sumusubra naman ata tong taong to.sarap bulwayan nang lalaking to..
Hindi naman po!sabi ko kanya sabay kuha nang baso at nilagyan nang tubig.urrgg ang bango niya ang sarap niya papakin rawwwr!!.
Ayan na po señorito!tunog sarcastic kong sabi
Tingnan niya ako saglit!at nagtuloy sa kinakain
Ah señorito pwede na po ba akong umalis?tanong ko ulit sa kanya
Maaaring ka nang umalis!"sagot nito
Pssh!salamat naman makaalis na ako baka hindi ako makatiis eh mapapak na kita!mahina kong sabi
Ano ang iyong sabi?kunot noong tanong nito
Wala sabi baka makapapak lang ako nang gwapo hehehehe!sagot ko sa kanya sabay peace sign at kindat sa kanya rawwwr
Napahinto naman sa pagsubo si agustin!sa nakita niyang inasal nang taga pagsilbi,kinindatan siya nito at nag sabi nang rawwr na umarko pa ang kamay nito na para siyang tuklawin...
Kakaibang binibini talaga ang kanyang bagong tagapagsilbi,hindi ito katulad nang binibining nakasalamuha niya,na mahinhin Kong kumilos.ito kasi magaslaw at maarti..saan kaya nanggaling tong bago nilang tagapagsilbi..
Kinabukasan nagising akong may umuga sa akin!urrgh sino ba tong gumising sa akin ito ang pinakaayaw ko ang gisingin ako na masarap pa ang tulog ko.dahil sasakit ang ulo ko pagbitin ako sa tulog..
Rina rina!ika'y gumising na at baka tayo'y mahuhuli sa misa
Oh my God! napabalikwas ako nang bangon sa narinig ko,oo nga pala magsisimba pala kami!nakalimutan ko, nakita kong nakabihis na si felina.nakakahiya naman ako nalang ata ang hinihintay nila
Naku pasensya na kayo ha!nakalimutan kong magsisimba pala tayo ngayon!
Ayos rina sige na magbihis kana,at inaantay na tayo nila manang!"sabi ni felina sa akin
Sige sandali lang ako.nagmamadali akong pumasok sa palikuran at naligo buti nalang at may tubig na ang mga timba dahil kung mag-iigib pa ako at lalo lang akong matagalan..
Nang matapos mag-ayos ay umalis na papuntang mansyon dahil andoon na si manang at linda nag-antay sa amin dahil magpaalam daw ang mga ito kay agustin..
Nang makarating kami sa mansyon ay hindi na kami pumasok at dumiretso na kami sa harap..
Natanaw na namin si linda at manang kausap nang mga ito si ginoong felipe..
Magandang Umaga kuya!"masayang bati ni felina sa kanyang kuya..
Tumango ito bilang tugon,at tumingin sa akin.
Magandang Umaga sayo binibining rina!bati sa akin ni felipe na bahagya pang yumukod
Magandang Umaga din sayo ginoong felipe!"nakangiti kong sabi
Oh andito na pala kayo!"oh siya tayong hahayo na at baka tayo'y mahuhuli sa misa!"sabi sa amin ni manang
Pasensya na kayo manang at hindi ko na kayo mahahatid sa bayan,dahil aalis ang señorito agustin ngayon
Naku ayos felipe!sige aalis na kami!"paalam ni manang kay felipe
Sige po kayo po ay mag-iingat..
Lumabas na kami nang mansyon at nag-abang nang kalesa.
May kalesang huminto sa tapat namin at sumakay na kami..
Nang makarating na kami sa simbahan hindi ko maiwasang hindi mamangha subrang ganda nang simbahan..