CHAPTER 1

1124 Words
NATALIA'S POV: Good morning maaga nga ako ngayong gumising dahil ngayon na ang first day of school namin. Excited ako na kinakabahan dahil pano nalang kung puro bully pala yung mga andon, sa public school nga lang ako pinapasok Kasi dapat daw na masanay ako hindi yung puro karangyaan. kaya ko naman kasing kontrolin yung pagiging maarte ko denedepende ko rin naman sa lugar at sa mga tao. Yung mga kaibigan ko hindi ko makontak baka grounded din sila dapat pinag sama sama nalang kami dito pero malabong mangyari yun dahil walang pagbabagong mangyayari kung magkakasama kami. nag aayos na nga ako sa sarili ko at mga gamit ko sa school, HUMSS nga pala yung kinuha kong strand dahil balak kung mag law in the future. "Anna anak baba kana at mag almusal na tayo" tinawag na nga ako ni nanay kaya bumaba narin ako dahil tapos narin naman akong mag ayos sa sarili ko, sana marami akong maging kaibigan doon "good morning tay, nay" bati ko sakanila at nag almusal na, ayokong ma late sa first day of school dapat good yung first impression nila saakin "nay, tay alis na po ako bye po" paalam ko sakanila at sumakay na ng tricycle papuntang school masyado pang maaga pero okay narin to dahil hahanapin ko pa naman yung room ko. pagdating ko nga sa school may nakita akong mga studyante na nagkukumpulan sa may billboard baka don nakalagay Yung mga sections at room kaya lumapit narin ako at nakihalo sakanila. Marami ngang estudyante ang napapatingin saakin nagtataka siguro dahil may bagong mukha dito "hi bago ka dito no? ako nga pala si Sheila" pansin sakin nung bagong dating lang pero in fairness maganda siya mas matangkad nga lang ako ng a little bit sakanya ngumiti naman ako sakanya sabay tango at tingin ulit sa billboard "ano ba ang kinuha mong strand baka parehas tayo?" tanong niya ulit saakin medyo naiilang ako kasi hindi ako sanay sa mga ganito "ahm HUMSS yung kinuha ko, ikaw??" balik na tanong ko baka Kasi sabihan akong masungit, ngumiti naman siya saakin at sinabing parehas kami "ano bang pangalan mo??" tanong niya saakin pero nakatutok lang Siya sa billboard "Natalia Roosevelt" sagot ko sakanya at agad naman siyang natatatalon sa saya sabay yumakap Sakin. "OMG magkaklase tayo, tara hanapin na natin yung room natin" napangiti na lang ako sakanya Kasi super friendly niya saakin hindi ko to ineexpect hahaha habang naglalakad kami may nakita akong groupo ng lalaki na parang nagsusurvey sa kapaligiran kaya napatigil ako at napatititig lang sakanila lalo nat familiar saakin yung Isa don na seryoso lang "bakit Nat ano tinitignan mo?? kung nagtataka ka kung sino sila, sila yung mga officer sa school mga STEM yan sila ang yayabang" kwento Niya sakin habang nakatingin sakanila. kaya binalik ko yung tingin ko sakanila pero laking gulat ko nung nagtagpo yung mga mata naming dalawa, parang na estatwa ako dahil sa lamig nung mga mata niya pero parang may pinapahiwatig yung mga tinginan na. naputol lang yung tinginan namin nung hinila naako ni Sheila papuntang building namin, pero pansin ko na nagbago yung mood ni Sheila matapos makita yung mga officer na yun, may galit ba siya don? "tsk Ang yayabang talaga, kala mo kung sinong mga gwapo hindi naman, alam mo wag na wag kang makikipag kaibigan don sakanila lalong lalo na sa leader nila ang sasama nung ugali non" napangiti nalang ako sa mga sinasambit niya "siguro may crush ka don no? at hindi ka crush" tukso ko sakanya at agad naman siyang namula dahil sa sinambit ko confirm nga haha "hindi ah, ang lalaki naman ng mga ulo nila kung ganon" agarang tanggi niya pero nakaiwas naman ang tingin sakin kaya napahalakhak nalang ako sa tawa "sino ang malalaki ang ulo miss??" kaya agarang napahinto yung tawa ko at nakatingin sa likuran namin at andto nga yung mga officers OMG ang popogi nilang lahat pero mas nangingibabaw talaga yung president nila sasagot na nga sana ako pero agad na hinila ako ni Sheila, papuntang room namin kaya hindi naako nakapag salita at nag bow nalang sakanila habang hinihila ako ni Sheila. "Ang tigas talaga ng ulo niyang makisawsaw pa, sino ba siya sa inaakala niya ha" Kanina pa yan Siya kaya hinahayaan ko nalang dahil baka sakaling gumaan yung pakiramdam niya. andito nga kami sa cafeteria ngayon nag lalunch kaming anim oo anim na kami dahil may mga naging kaibigan kami sa classroom namin sina Ella na mahiyain, Kristen and Kristell na kambal na parehong maingay pero mas makulit si Kristell, atsaka si Stacy na maldita at maarte. habang kumakain nga kami agad na nagsitahimikan yung maingay na cafeteria kaya nangunot yung noo ko habang silang apat napailing iling ng ulo bakit kaya. "andito nanaman yung matitigas ang mukha" bulong ni Stacy at oo silang lima galit sa kanilang anim at hindi ko alam ang rason, anim pala silang mga kalalakihan at may kasama sila ngayong anim rin na kababaihan baka mga girlfriend nila yan. " Nat iwasan mo yang grupong yan dahil manganganib ang buhay mo kung sakali, at mamaya kanang magtanong kung bakit, bilisan na natin dito para makaalis na agad tayo" kakaiba talaga tong si Sheila ang galing mambasa nang tao kaya ayun wala muna kaming usap-usap dahil binibilisan nga namin yung pagkain namin at sa malapit na table lang sila umupo, nakakainis dahil naiilang ako, ramdam ko kasing may nakatingin saakin at alam ko kung sino yun. "Tara na doon nalang tayo sa garden mag kwentohan" anyaya ni Stacy agad naman kaming tumayo at aalis na nga sana kami nung biglang may nagsalita "oh the losers pala kala ko kung sino at Isang grupo na kayo ha may new member pa, bago ka lang ba dito?" tanong nung parang leader nila maganda sana sila pero ang kakapal ng make up "hindi pa ba halata cobra na bago siya dito??" malapit na nga akong matawa don sa cobra kaya nagpipigil lang ako dito sa gilid pero napatigil ako nung makita kung nakatingin saakin yung president kaya umayos ako nang tayo "at ano namang tinatawa tawa niyang bago niyong member?" tanong niya ulit hindi pa ba halatang Siya? napairap nalang ako sabay iling ayaw kung makigulo, baka dito naako tumanda self control dapat "anong iniiling iling mo diyan kala mo kung sino ka ha, Kilala mo ba kami ha?? kabago bago mo dito ang lakas ng loob mo" "bakit sino ba kayo ha?" tanong ko sakanila at pumunta sa harap, agad naman silang napatawa na parang mga t*nga "well kami la~" "at wala akong pake" agarang putol ko sa dapat sasabihin niya sabay irap sakanya at flip hair mukhang na speechless siya don kaya agad na hinila na kami nung kambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD