Andito kami ngayon sa garden, dito kami dinala nung kambal dahil mag uusap usap daw kami hindi pa naman time dahil mamayang alas dos pa ang start ng afternoon session namin kaya mahaba haba rin tong pag uusap usap namin.
"okay cgeh na ako na ang magsisimula kesa naman tumunganga lang tayo dito, so ano yun Kanina?" nagtanong na ako dahil nacucurious talaga ako kung ano ba talaga ang namamagitan sakanila Kasi parang ang tagal tagal ng mga pinagsamahan nila ganon.
"I am Sheila Montenegro pinsan ni Ethan Ace Montenegro" kaya nagulat naman ako Kasi parang sobra naman ata ang galit niya eh pinsan pala niya Ang leader don
"at ex ko yung isa don yung nakisaw saw kanina nung usapan natin, siya si Josh Cullin at talagang galit ako sakanila dahil mga g*g* sila" malumanay ang boses niya habang nag sasalita siguro nabasa niya yung expression ko kaya ganon tumingin naman ako sa iba ko pang mga kasama
"I am Stacy Brielle Lopez at ex ko din yung isa don yung masungit tignan siya si Jayden Vance" mataray naman na sagot niya at wala nang balak pang ungkatin ang nakaraan nila kaya napabuntong hininga nalang ako
"we are Kristen and Kristell Grey at ex din namin si Vince Montgomery tsaka si Alistair Montgomery and hindi sila kambal magpinsan lang" masiglang kwento ni Kristen pero kita naman sa mga mata nila ang lungkot kaya nginitian ko nalang siya
"at ako naman si Elara Blackwood ex ko si Marius Vance yung mukhang playboy at masigla sa grupo nila pinsan siya ni Jayden" kwento naman ni Ella
"at lahat ba kayo niloko nila kaya galit kayo sakanila?" paniniguro ko kasi parang wala namang ibang dahilan magalit sila ng ganiyan
"dati na kaming magkakaibigang tatlo nung kambal at nakilala namin silang dalawa kasi sinasama sama naman nila kami pag lumalabas sila at doon nagsimula yung pagkakaibigan namin at sabay sabay naman nila kaming hiniwalayan" kwento ni Stacy kaya pala agad na nakipag close sila kanina sa room dahil magkakilala naman pala sila napatango tango nalang ako habang nag kwekwento si Stacy
"feel ko na pinagtripan lang nila kami i think dare lang, kaya sobrang sakit nun para saamin at lalong lalo na sa part ko kasi hinayaan lang siya nung pinsan ko" parang naiiyak na Sheila habang nagkwekwento siya
"kaya wag na wag kang magpapaniwala sa pinapakita nila dahil magagaling silang mangloko" mataray na sabi ni Stacy
"pano kung may rason sila bakit nila yun bagawa sainyo" suhestiyon ko na sana hindi ko na ginawa dahil parang mas nagalit lang sila
"kung ano mang rason nayan hindi yun sapat na dahilan para saktan kami, bakit hindi ba namin kayang ipagtanggol ang mga sarili namin alam ko namang marami silang nga kaaway" si Kristell naman ang nagsalita.
Pauwi na nga kami dahil tapos na yung klase namin nagkakasiyahan na nga kami at sabi nila mamasyal lang muna daw kami dahil maaga pa naman kaya pumayag nalang ako para masanay rin dito at malaman yung mga lugar lugar dito.
habang papalabas kami nung building namin nakasalubong naman namin yung mga officer kaya lahat kami napatigil sa paglalakad, agad naman akong nakaramdam ng kakaibang kaba hindi ko alam kung saan nanggagaling.
"sa lahat ba naman ng lugar dito pa sila dumaan" bulong naman ni Ella wow first time tahimik lang kasi ang babae na to
"okay na sana pero bat nandito tong mga ulopong nato??" segunda ni Sheila kahit kailan talaga tong babae
"halina kayo wag kayong paapekto sa mga yan hayaan niyo sila guys" pag cheer up ko naman sakanila para makaalis na kami dahil ayoko na sa astmosperang nararamdaman ko ngayon basta nanlalamig ako
sumunod naman sila buti nalang dahil feel ko malapit naakong himatayin
"saan kayo pupunta? Stacy?" napatigil naman kami sa paglalakad siguro ito yung si Jayden yung ex ni Stacy
"at ano naman ang pake ni mr. Vice President hmm?" nakataas kilay na tanong ni Stacy hay naku naman gusto ko nangang umalis dito
aksidente naman na nagtagpo yung mga mata namin ni pres grabe ang lamig non at parang may ipinaparating pero hindi ko mawari kaya tinaasan ko nalang siya nang kilay para hindi mahalatang kinakabahan ako sa presensya niya at talagang smirk pa parang nasisiyahan sa nakikita niya g*g* bato o baliw?? napailing nalang ako, ayaw ko na dito mga weirdo ang mga tao dito
"halana nga kayong dalawa hayaan niyo na sila hindi naman kagwapohan yang mga yan hindi worth it, alis na tayo diba may pupuntahan pa tayo? maghahanap pa diba tayo ng mga yummy don kaya tara na" agad ko namang pinigilan na yung dalawa dahil balak pa atang makipag away sa mga ex nila hay naku parang mga bata
at parang effective naman dahil parang naapektuhan yung mga lalaki sus sabi ko na ngaba, ano kaya yung rason hmm bakita nila ginawa yun pero mamaya nayang isipin nayan kailangan muna naming umalis dahil hindi ko na kaya yung mga titig niya
tinaasan ko naman sila ng kilay kilay ko tsyaka inirapan, kala mo naman kung sino pero jowk lang yung kanina na hindi sila mga gwapo, sobrang gwagwapo nila as in kala ko talaga na wala yun dito sa probinsya
"nakita niyo ba yung mga reaction nila kanina? ang tapang mo talaga Nat you're really my bebe girl" natatawang sambit ni Sheila sa tingin ko na satisfy siya sa nakita niya kanina kaya tumawa nalang kaming lahat dahil epic naman talaga kanina
namasyal masyal lang kami dito marami rin pala yung nga pastalan dito kaya hindi ka maboboryo kung pupunta ka dito oks nato at may mga kaibigan na ako dito.
nag picture picture lang kami video naman dahil ipopost daw ni Kristell sa social niya, ang saya dito grabe i didn't expect this kind of happiness i've been experiencing nakakapanibago pero gusto ko ang ganitong klase nang pagbabago
gabi na nga nung nakauwi kami hinatid kami ni Ella sa aming kaniya kaniyang bahay dahil siya lang naman ang may dala nang sasakyan, napangiti naman ako habang tinitignan yung mga picture namin sana ganito palagi ang gaan gaan sa pakiramdam
pero agad namang nawala nang maalala ko yung mga officer nayun alam kung may something sakanila hindi lang sila mga normal na estudyante alam ko yan, nararamdaman ko ganoon din kasi yung presensya nila kuya pero sa ibang tao ngalang haha
tsyaka ko na pag iisipan ang mga bagay nayun kailangan ko nang matulog dahil maaga pa kami bukas goodnight na ebrewan.