Malamig ang simoy ng hangin sa Geneva. Ang mga ilaw sa mga kalsada ay kumikislap sa basang bato habang unti-unting bumabagsak ang manipis na niyebe. Sa isang maliit na café na malapit sa lawa, naroon si Valerian Denvers. Nakaupo sa sulok at nakatingin lang sa tasa ng kape na halos hindi niya nagagalaw. Tatlong araw na siya roon. Tatlong araw pilit niyang binubura sa isip ang mga nangyari. Ang sigawan, ang mga salitang hindi niya dapat sinabi. At higit sa lahat, ang mga matang puno ng galit ni Alorna. “Huwag kang lalapit!” “Nagsisisi akong binigyan pa kita ng isa pang pagkakataon!” Paulit-ulit pa rin iyon sa taiga niya. Parang echo na ayaw tumigil. Hindi siya sanay na may umaalis sa buhay niya. Sanay si Valerian na siya ang nang-iiwan kapay sawa na siya sa isang tao. Pero ngayon, siya m

