Abala na si Alorna sa opisina ng Beauty and Carry. Kahit pilit niyang i-focus ang sarili sa trabaho..... hindi niya maalis sa isip ang natanggap na envelope kahapon. Ang mga litrato nila ni Jefferson na parang may invisible camera na sumusunod sa kanila at yong note na malinaw na galing kay Valerian. “Hindi siya titigil…” bulong niya sa sarili habang nagta-type ng email. 'Baliw na talaga siya! Siraulo! Bobó! Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya! Sinunod ko na nga ang gusto niyang maglaho ako sa buhay niya, tapos ngayon hahabol-habol siya?! Sigurado akong hindi niya pa rin ako mahal. Natapakan ko lang ang ego niya.' Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Pag-angat ng ulo niya, halos tumigil ang t***k ng puso niya. Nakatayo si Valerian Denvers... naka-itim na suit, seryo

