Tahimik ang opisina sa umaga, pero sa loob ni Alorna, parang bagyo. Hawak niya ang planner niya, pero ang mga mata niya puro iniikot kay Jefferson habang nag-uusap sila sa conference table. “Jeff,” panimula niya. “I have a plan.” Tumaas ang kilay ni Jefferson. “Plan? Ano ‘yon?” Huminga siya ng malalim. Tumitig sa mesa bago iniangat ang tingin. “It’s simple. I want to make Valerian feel jealous. Gusto kong ma-realize niya na isang malaking kawalan ang paghihiwalay naming dalawa. I want him suffer. Gusto kong mabaliw siya kaiisip sa akin. Sa mga ginawa niya sa akin." Napatingin si Jefferson. “Alorna… you mean… you want me to act like... what? Magpanggap?” “Yes. Pretend. Pero carefully. Hindi para ako ang masaktan at hindi rin para ikaw. Pero medyo… intimate enough para makita niya.

