Dalawang araw ang lumipas matapos ang huling banggaan nila ni Valerian, pero hindi pa rin mawala sa isip ni Alorna ang init ng labi nitong walang paalam na humalik sa kanya. Pilit niyang kinakalimutan pero sa tuwing mag-isa siya, parang naririnig pa rin niya ang tinig ni Valerian. Mahina pero mapangahas, laging may utos at laging may kontrol. “Hindi ka niya pakakawalan,” bulong ng isip niya dahilan para sumakit na naman ang ulo niya kaiisip. Kaya ngayon mas lalo niyang kinapitan si Jefferson. Ito ang kanlungan niya. Gentle, maingat, at palaging nandoon sa tabi niya. 'Hindi ko dapat hinahayaang guluhin ni Valerian ang isipan ko. Hindi na dapat.' Nasa isang malaking charity gala sila ngayong gabi. Elegant ang paligid. May crystal chandeliers, mahahabang gowns, mamahaling suits, champa

