Chapter 39 Cataleen’s Pov NAHANAP ko naman ang office na sinasabi ni Remus. Kabado akong pumasok sa loob habang siya naman ay nakaupo sa swivel chair. May apat pala na pinto dito sa second floor ika pang apat na pinto ang opisina niya. Siguro ang isa ay kwarto niya. Ngayon lang kasi ako nakaakyat sa second floor dahil ayon kay sir Hadeon ay ayaw ni Remus na may umakyat dito. “Sit down.” Biglang sabi ni Remus sa akin kaya para akong bata na umupo sa mahabang upuan. Hindi pa nakakatulong ang lamig dito sa opisina niya. Tumayo tuloy lahat ng balahibo ko sa katawan. Para din akong natatae dahil sa lamig at pinaghalong kaba. Baka makatae ako nito sa panty ko. Tumikhim ako at tumingin kay Remus. Tumayo siya sa swivel chair habang may binabasang papel. May nakapatong din na laptop sa ha

