Chapter 113 Cataleen’s Pov ILANG ARAW din nilang ginawa ang kubo na gusto ko at sa wakas ay nagawa na rin nila. Tuwang tuwa ako dahil may pwede na akong tambayan. Minsan ay doon kami tumatambay ni Diane lalo na kapag nasa loob ng bahay si Claw at nakikipag usap siya sa asawa ko. Ayaw naman naming guluhin ang seryoso nilang pag-uusap kaya palagi kong niyayaya si Diane na tumambay sa labas. Nilagyan din kasi ng design ng asawa ko ang kubo. May pailaw pa siya na mga light bulb na maliliit na ang kulay ay parang yellow. Ang sarap tuloy tumambay lalo na’t mahangin. Umaga ngayon kaya may pasok si Diane. Ang asawa ko naman ay nasa opisina niya. Kanina lang ay naglalambingan kami sa kusina. Pero dahil may kailangan pa siyang gawin ay ako na ang nagpapasok sa kanya sa opisina. Baka kasi

