Chapter 122 Cataleen’s Pov NANGINGINIG ANG kamay ko habang sinusubukang tawagan ang asawa ko para humingi ng tulong. Patuloy pa rin ang pagpapaulan nila ng bala sa likod ng kotse namin. “Ate Cataleen..” tawag sa akin ni Diane na halatang nag-aalala dahil nasa back seat ako. “Yumuko ka din, pangit!” Asik ni Claw kay Diane kaya agad napayuko sa kinauupuan ang dalaga tulad ko. Hindi ko magawang mag concentrate sa utos ni Claw dahil sa natataranta na talaga ako. Ngunit isang malakas na tunog ang narinig ko. Tunog ng isang motorbike. Natawagan ko ang asawa ko ngunit walang sumasagot. Natigil din ang pagpapaputok ng baril sa likod ng sasakyan pero may naririnig pa rin akong putok ng baril. “Anong nangyayari, Claw?” Tanong ko dahil sa ayaw kong itaas ang ulo ko. Baka matamaan ako ng

