Chapter 23 Cataleen’s Pov NASA KUSINA ako ngayon at nagluluto ng itlog. Syempre para sa akin lang. Hindi ko dinamay yung devil kong kasama dito sa bahay. Ang swerte naman niya kung lulutuan ko siya. Mabuti nga at hindi pakalat kalat ang mukha niya eh. Sana talaga hindi ko siya makita at baka bumalik na naman sa alaala ko ang ginawa niyang paghalik. Hindi na muna ako nagtimpla ng kape ko. Baka magkamali ako at masira ko pa ang coffee maker niya at matawag na naman niya akong bobo. Nang matapos akong magluto ay agad kong inayos sa table ang niluto kong dalawang itlog. Kumuha na din ako ng tinapay para i-partner sa itlog na niluto ko. Sayang lang talaga at hindi ako makakainom ng kape. Tubig nalang muna ako. Hinila ko agad ang upuan at umupo. Kinuha ko agad ang kutsara para maglaga

