Chapter 56 Cataleen’s Pov NAISIPAN kong umalis ngayong araw para bumili ng gulay. Hindi kasi ako nakaluto ng sinigang kahapon dahil nga sa walang gulay. Kaya ngayon ay susubukan ko na namang magluto sana dahil bumalik si sir Hadeon. May pinag uusapan yata silang business ng kuya niya kaya dalawang beses na siyang pumunta. Nagpaalam naman ako kay Remus na lalabas ako. Sinabi ko din sa kanya na bibili ako ng gulay kaya ayon, galit galitan ang peg niya. Gusto ba namang sumama sa akin. Eh hindi nga pwede dahil may kailangan silang pag usapan ni sir Hadeon. Kaya ang ginawa ni Remus ay tinawagan niya si Claw para siya ang maging driver ko. Natuwa ako at nakahinga ng maluwag dahil si Claw ang kasama ko. Akala ko kasi si Raj ang tatawagin niya eh ayaw ko no’n. Hindi ko siya ka vibes. Mas mab

