Chapter 94 Cataleen’s Pov UBOS na naman ang grocery namin sa bahay kaya niyaya ko ang asawa ko na kung pwede ay mag grocery kami ngayon. Nauubos kasi agad ang stock lalo na’t paminsan minsan ay sa bahay ni Remus kumakain ang iba niyang tauhan. Dahil na rin sa palagi nilang pagpunta sa bahay at doon kumakain ay pinilit ko na si Remus na magdagdag ng upuan na pwedeng gamitin kapag kakain. Mabuti nalang at masunurin ang asawa ko. Bumili din siya ng upuan kaya kapag kakain ang lahat ay nakakaupo na ang lahat. Si Diane naman ay maayos naman sa bahay. Tinutulungan ko siya sa gawaing bahay dahil hindi madali maging estudyante sa umaga at may trabaho sa gabi. Kaya dapat lang ay tulungan ko siya. Hindi ko lang naman siya kinuha bilang katulong sa bahay eh, kinuha ko siya para makapasok ng

