Chapter 106 Cataleen’s Pov NGAYONG araw ay gustong makipagkita ng ate ko sa akin. Nagpaalam ako kay Remus na pupuntahan ko ang ate ko. Pumayag naman siya pero hiniram muna ang phone ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero hinayaan ko na para sa peace of mind niya. Nagbihis ako ng simpleng damit at inayos ang sarili ko. Nakapantalon ako at naka t-shirt lamang. Gusto ko sana magsuot ng short lang dahil mainit ang panahon pero nagalit si Remus. Ayaw ba naman akong paalisin kung magsusuot lang daw ako ng short. Napaka-ano talaga niya. Sinunod ko nalang kaysa naman sa magkagulo kaming dalawa at hindi niya ako payagan. Pababa na ako ng hagdan habang ang asawa ko ay nakasunod sa akin. Hindi pa rin niya binabalik ang phone ko. Ewan ko na kung ano pa ang ginagawa niya. Nasa schoo

