Chapter 73 Cataleen’s Pov NAKAPAGLUTO na ako ng pagkain kaya ang dalawang kolokoy ay nasa gilid dahil inaayos ko muna ang plato sa mesa. Hindi ko sila tinawag para tulungan ako dahil wala naman silang gagawin kundi ang mag-away. Nang maayos ko na ay agad akong tumingin kay Claw. “Kumuha ka ng isa pang upuan para may gamitin ka.” Utos ko kay Claw dahil kakain na kami. Agad nalukot ang mukha ni Remus. “Hindi natin siya kailangan kasabay kumain, wife.” Pangongontra niya sa sinabi ko. Pinandilatan ko naman siya ng mata ko. “Manahimik ka dyan ha! Hindi ikaw ang kinakausap ko.” Saad ko sa asawa ko na agad itinikom ang bibig. Napangisi naman si Claw dahil sa ginawa ko. Sumenyas naman ako na kumuha na siya ng upuan. Gutom na gutom na ako kaya kailangan na naming makakain at baka maging dr

