Chapter 96 Remus’s Pov UMUWI kami ni Cataleen sa bahay pagkatapos namin mag grocery sa mall. Kumain na rin kami sa labas. Nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin si Claw at Diane na para bang nag-aaway na naman. Magulo ang dati ng magulo ang buhok ng dalaga. Napasinghap pa ang asawa ko nang makita namin ang itsura ng dalawa. “Ano na namang nangyari dito habang wala kami, Claw? Wag mong sabihin sa akin na inaway mo na naman si Diane?” Tanong ni Cataleen sa dalawa. “Anong inaway, Mrs. Valconeri? Ako nga inaway niyan eh. Inambahan ako ng kutsilyo. Ang pangit na nga, ang sama pa ng ugali.” Claw argued, defending himself. I stood beside my wife, merely shaking my head. Hindi ako sumali sa usapan dahil ayaw kong pati ako ay pagalitan dahil tauhan ko si Claw. I heard my wife

