Chapter 126 Cataleen’s Pov NANDITO na kami sa kwarto ni Remus upang magpahinga na. Tapos na kami kumain ng dinner kaya magpapahinga na kaming dalawa. Tapos na rin akong mag half bath. Ang asawa ko naman ay nasa banyo pa, naliligo yata siya. Nag ce-cellphone nalang muna ako habang hinihintay ang asawa ko na lumabas. Hindi talaga nag reply ang ate ko sa mga text ko. Tinatawagan ko ang phone number niya pero hindi ko makontak. Nakapatay yata ang phone niya o di kaya ay walang signal ang pinuntahan niyang probinsya. Nakakapagtaka naman yata ang ate ko. Kahit isang beses man lang walang text. Nakakapikon na rin ‘tong ate ko eh. Kung kailan gusto ko ng sabihin ang sitwasyon ko saka naman siya hindi mahagilap. Lumabas na ang asawa ko na nakatapis ng t’walya. Napadako ang tingin ko sa ka

