Chapter 31 Cataleen’s Pov AKALA KO talaga ay sa grocery agad ang punta namin. Yun pala nagkamali ako. Dinala ako ni Remus sa isang restaurant dahil dito na lang daw kami mag aalmusal. Kaya naman pala hindi kami kumain ng almusal sa bahay. Panay pa naman ang singhot ko sa cologne na nilagay ko sa sarili ko. Ginawa ko yun para maubos ang amoy ko at hindi na ako maamoy ni Remus. Nyeta, ako pa yata ang magpapahamak sa sarili ko dahil sa juicy cologne na ‘to. Kaya panay talaga ang singhot ko hanggang ngayon. Alam kong mukha akong weird tignan pero bahala na. At least hindi maiisip ni Remus na ako ang babaeng naka one night stand niya. “What are you doing? Bakit kanina mo pa inaamoy ang sarili mo? Dati ka bang aso?” Biglang sabi ni Remus sa akin kaya napatigil ako sa pag singhot sa saril

