Chapter 85 Cataleen’s Pov HINDI KO alam kung mag e-enjoy ba ako dito sa swimming namin dahil sa asawa kong nakasunod sa akin. Panay pa ang sipol niya habang nakasunod sa akin. Ayaw ko siyang lingunin dahil gusto kong magmuni-muni mag-isa. Wala akong bikini na dala kaya naka cotton short nalang ako na plain black. Pinartneran ko nalang din ito ng sando. Sigurado naman kasi ako na hindi papayag si Remus na magsuot ako ng bikini. Tinatangay ng hangin ang buhok ko. Ang sarap mamuhay sa lugar na ito. Ang sarap pakinggan ng hampas ng tubig. Hindi na mainit dahil hapon naman na. Ang iingay din ng mga kasama ko kaya naisipan ko nalang na maglakad lakad muna sa ako malilgo. Gusto ko sanang maglakad lakad ng mag-isa pero talagang ayaw akong lubayan ni Remus. Kanina pa ako naiinis sa kanya da

