Chapter 52 Cataleen’s Pov MAGDAMAG kong pinag isipan ang sinabi ni Remus sa akin kanina. Gabi na pero hindi pa rin ako nakakapag desisyon. Paano ba naman kasi ay kausap ko si Desmond at nakikinig sa saloobin niya dahil sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Hindi ko masabi sa kanya na ako ang may dahilan kung bakit siya nawalan ng trabaho. Naawa ako sa kaibigan ko. Kung pwede ko lang siyang yakapin ngayon ay gagawin ko. Pero hindi ko naman siya kasama kaya tanging pakinig na lang ang nagawa ko para sa kanya. Awang awa ako dahil alam kong dinaramdam niya ang biglaan pagtanggal sa kanya sa trabaho. Napakasalbahe talaga ni Remus. Hindi man lang siya naawa sa tao. Napakamot na lamang ako sa gilid ng ulo ko habang iniisip ko kung kaya ko ba talaga ang anim na oras na sinasabi niya. Baka mawal

