Chapter 90 Cataleen’s Pov PAUWI na kami ng Maynila at kasama na namin si Diane. Nagpaiwan na muna si Levon dahil kakausapin yata ang nanay ni Diane lalo na’t may bagong papasok sa private resort niya. Nakapag ayos naman na si Diane ng gamit niya kahapon kaya hindi na namin siya kinailangan pang hintayin. Si Claw nga lang yata ang hindi masaya na kasama namin si Diane. Ako sobrang saya ko lalo na’t may makakausap na akong babae. Magkatabi kami ni Diane sa upuan kaya hindi kami makalabing labing ni Remus. Hindi ko naman kasi siya pwedeng itabi kay Claw, eh di nagbangayan na naman sila ni Diane. Para pa naman silang aso’t pusa. Buti pa kami ni Remus, hindi ganyan dati. Chill lang kaya ang away namin dalawa. Tuhuran at batuhan ang ginagawa namin eh. Hindi ko pa makakalimutan na binato

