Chapter 48 Cataleen’s Pov WALA NA talaga akong nagawa kundi ang humiga dito sa kama habang katabi si Remus. Tinanggap ko nalang talaga na dito na ako sa kwarto niya matutulog. Nakakainis man ang ginagawa niya pero wala akong matulugan kapag nagmatigas pa ako. Sa inis ko nga ay nagsuot ako ng pajama na dapat sana ay naka cotton short at naka sando lang sana ako. Pero may kasama akong manyak sa kwarto ko kaya dapat lang na mag ingat. Nakatitig pa naman sa akin ang manyak na lalaki. Kitang kita ko sa mukha niya na hindi siya natuwa sa suot kong pantulog. Akala yata niya mauutakan niya ako. Natuto na ako sa ginawa niyang paggapang sa akin. “Bakit ganyan ang suot mo? Nilalamig ka ba?” Seryoso pa niyang tanong sa akin. “Malamang. Nakabukas ba naman ang aircon.” Sagot ko sa sarkastikon

