Chapter 12 Cataleen’s Pov PANAY LANG ang haplos ko sa pisngi ng pwet ko kung saan ako natusok. Hindi ko talaga matanggap na sa akin gumana ang kulam ko. Inis na inis talaga ako sa voodoo doll na nabili ko dahil hindi man lang nasaktan si Remus the great bagkos ay ako pa ang nasaktan. Nandito ako sa sala habang kaharap siya. Gusto ko na sanang pumunta ng kwarto ko ngunit ayaw niya akong papasukin. Sigurado akong sesermonan na naman niya ako ng todo-todo nito. Hindi na nga ako humihinga dito sa harapan niya dahil kabado ako na baka mapagalitan niya ako. Alam ko naman na maling mali ang ginawa ko. Pero siya naman ang nauna eh. Ang sama kaya ng ugali niya kaya ginantihan ko din siya. “A voodoo doll. What were you thinking, buying this?” Tanong niya sa mababa at mapanganib na boses. Ya

