Chapter 77 Cataleen’s Pov NAGISING ako nang mapansin kong may humahawak sa braso ko. Agad kong idinilat ang mata ko at napansin na hindi si Remus ang nasa harapan ko kundi si Thiel. Para bang tinitignan niya ang balikat ko. Napansin yata niya ang paggising ko kaya agad siyang tumingin sa akin. “Oh, you’re awake.” Aniya saka ngumiti sa akin. “A-Anong nangyari? Bakit ikaw ang nasa tabi ko?” Naguguluhan kong tanong dahil kami lang dalawa ang nasa sala. “Nilinis ko na ang sugat mo, Mrs. Valconeri. Mabuti nalang at daplis lang ang inabot mo kanina.” Sabi ni Thiel sa akin kaya napatingin ako sa balikat ko at nakitang nakabenda na ito. Mukhang nilinis na niya habang wala akong malay. “Si Remus? Nasaan siya?” Tanong ko dahil gusto ko siyang makausap. Muntik na akong madali kanina sa nag

