Chapter 145 Cataleen’s Pov NAKIKIPAGBUNO ako sa dalawang lalaki na may hawak sa akin. Panay ang hawak nila sa kamay ko at kinakaladkad nila ako papasok ng sasakyan. Hindi ko sila kilala pero panay ang sigaw ko at sinisigaw ang pangalan na Remus. Hila-hila nila ako hanggang sa maipasok nila ako sa isang puting van. Nang maisakay ako ay agad na umusad ang sasakyan habang may nakahawak sa magkabilang kamay ko. “Ano ba! Bitawan niyo ako!!” Sigaw ko sa dalawa habang nagpupumiglas. “Manahimik ka! Tutuluyan talaga kita!” Sigaw ng lalaki at may inilabas na patalim at itinutok sa akin. Nang makita ko ‘yun ay natahimik ako dahil ang haba ng patalim na hawak niya. Sigurado akong kayang kaya niyang isaksak ‘yun sa tiyan ko. Ilang sandali pa ay napatingin ako sa isa pang lalaki. “Parang awa n

