Chapter 119 Cataleen’s Pov MATAPOS kong paakyatin si Claw nong isang araw ay natatakot na siyang pumunta dito sa bahay. Tumawag daw kay Remus at sinabing ayaw na daw niyang mag report dito sa bahay. Ang pinapapunta niya ay si Raj. Mabuti nalang at sinabi ng asawa ko para malaman ko ang binabalak ni Claw. Hindi ako papayag na hindi siya ang pupunta dito kaya sinabi ko sa asawa ko na kailangan ay si Claw pa rin ang mag report. Kaya ayon.. wala siyang choice kundi ang pumunta dito. Sabado ngayon kaya walang pasok si Diane. May makakausap na rin ako sa wakas. Nandito kami sa kubo nakatambay. Dala-dala ni Diane ang mangga at siya ang nagbabalat. Kumain din siya, sinasabayan niya ang trip ko sa buhay. Ang asawa ko naman ay nasa kwarto namin, tulog na naman. Balak ko na siyang ipacheck

