Ang haba naman ng hair ko sa ginagawa nina Atoy at Sir Peanut. Pinag-aagawan ako ng mani at basurero. Basurero pero anak-mayaman din pala. Nangiti ako nang lihim dahil din sa ipinakita ni Sir Peanut subalit ganoon naman ang usok sa ilong ni Maam Vanilla gayundin si Maam Kittie. "Bahala kayo riyan." Tumawag ako sa probinsiya para kumustahin sina Itay Bagweng at ang mga kapatid ko. Si Ate Aying ang una kong nakausap. "Garlic, kumusta ka na?" "O-okay lang po ako, Ate. Kayo po, kumusta na? Si Tatay, sina Onion at Ginger?" Pilit kong maging masaya at ayaw kong malaman nila ang tunay kong kalagayan. "Siya nga pala, dadalhin ko bukas sa doctor si Itay. Sumasakit daw ang likod niya at madalas na inuubo. Sa ngayon naman ay nilalagnat si Onion. Nabasa kasi ng ulan noong nakaraang araw nang umuw

