Atoy's POV After ng incident na nangyari parang ayoko na ring mabuhay. Habang kanlong ko si Barbara papunta sa labas, marami ang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko ininda ang daang madilim. Ang buhay din ni Barbara ang nasa isip ko. "Tama nang may isang nalagas na buhay. Lord, please huwag Mo namang hayaang pati si Barbara." Agad kaming sinalubong ng mga naka-uniformed na mga lalaki. Mga pulis. Maraming mga pulis ang nasa puwesto para targetin si Vanilla at ang mga kasamahan nito. Isinakay naman kami kaagad sa police car at idiniretso sa pinakamalapit na hospital. "Barbara, huwag kang matulog, lumaban ka." Maraming dugo ang umagos mula sa kaniyang balikat. Siya pala ang natamaan nang nag-aagawan kami ng baril ng tauhan ni Vanilla. "A-Atoy...nanghihina na ako." Namamaos ang kaniyang

