Kinabukasan, ginising ako ng hindi magandang pakiramdam. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dumuwal na naman ako. "Ano ba ang nangyari sa iyo Garlic? Kay aga-aga tila naduduwal ka. Masama ba ang pakiramdam mo?" puna kaagad sa akin ni Nay Sofie nang lumabas ako ng kuwarto at agad na naduwal sa lababo sa labas ng kusina. "Po? Eh, masama lng po siguro ang gising ko, Nay at saka baka sa amoy po ng basura sa ilalim ng lababo," agad kong nahagilap na sagot. "Naku puno na nga ang basurahan! Ipapakuha ko mamaya kay Karding at nang ma-segregate na rin. O, ang aga mong nagising, 'di ba day off mo ngayon?" "May lakad po kami ni Atoy, Nay." "Ganoon ba? Mabuti na rin at nang makapag-relax ka rin pagkatapos ng mahabang oras sa pagtatrabaho rito sa mansion," nakangiting saad ni Nay Sofie. "Hi

