Tiningala ko ang palapag ng building. Halos hindi ako makapaniwalang nandirito ako ngayon. Hindi ko naman pinangarap na sa ganitong kilalang university ako e-enrolled ni Daddy. Ang pangarap ko lang naman noon ay ang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral para makatulong kina Nanay Sofie at Barbara. Nasa second year college na ako ngayon at tatapusin ko ang aking kursong Mechanical Engineering. Sisikapin kong makatapos at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin lalo na ang malaking tulong nina Daddy at Maam Kittie. Isang taon na lang, magtatapos na rin si Barbara sa kurso niyang nursing. Malaki na rin ang pagbabago sa kaniyang pag-uugali simula nang bumalik ako sa mansion at nang makabalik na ang anak ni Garlic. Hiningi ko kay Daddy na kung pupuwede akong mag-stay sa bahay n

