"M-Maam...naku Maam, tama na po, maawa po kayo kay Garlic. Huwag mo naman po siyang ganiyanin!" Narinig kong sigaw ni Ate Sparkle. Tumakbo naman si Ate RC para awatin si Maam Vanilla habang patuloy niya akong hinahampas ng kaniyang shoulder bag. Tinatamaan ako sa balikat, sa ulo at kung saan-saan na mabagsakan ng kaniyang shoulder bag. "Ano ba ang ginagawa ninyo, Maam?" Sinasangga na ng mga kamay ko ang bawat paghampas niya. "You are a great user! Hindi mo talaga kami tatantanan ni Peanut ano! Walang hiya kang katulong!" sigaw din niya sa akin. Dahil sa pagkabigla hindi ko na inasahang siya ang makikita ko. Tila gutom siyang leon na lumusob sa akin. "Tama na po, Maam Vanilla!" Nang makakuha ako ng tayming ay tumayo ako para awatin siya ngunit bigla siyang may kinuha sa kaniyang sh

