Buong tapang kong hinarap si Maam Kittie. "H-huwag ka pong mag-alala, Maam, masusunod ang kagustuhan po ninyo. Mula pa noon, pangarap ko nang makilala ang tunay kong magulang. Sapat na po sa akin ngayon na nakilala ko si Sir Doglas, ang matagal ko nang hinahanap na ama, nasa harapan ko lang pala. Kung bunga man ako ng pagkakamali, may karapatan din naman akong mabuhay at makilala ang mga taong naging parte ng pagkatao ko. Hindi ko naman po siguro kasalanan kung nabuo ako sa pagkakamali at sa maling sitwasyon." Binalingan ko si Garlic, lumapit ako sa kaniya kahit nananakit ang aking katawan, hinila ko siya at hinawakan sa kamay. "Sasama ka ngayon din sa akin, Garlic. Wala nang rason para manatili ka rito dahil magiging impyerno ang buhay mo sa mansion na ito." "A-Atoy..." Nanginginig pa r

